Wednesday, June 4, 2014

Humagalpak sa tawa kasama sina Z at Powkie sa My Illegal Wife

PAGSASAMAHIN ng Skylight Films sina Zanjoe Marudo at Pokwang sa My Illegal Wife – ang pinaka-nakakalokang family comedy na magtatapos ng ikalawang quarter ng 2014.

Itinuturing si Zanjoe at Pokwang bilang hari at reyna ng Skylight Films dahil sa tagumpay ng kanilang mga pelikula nuong 2013. Nagbida si Zanjoe sa Bromance ni Wenn V. Deramas kung saan gumanap siya ng dual roles ng kambal na may magkaibang kasarian.

Si Pokwang naman ay umariba sa kanyang luka-lukahang role sa Call Center Girl ni Don Cuaresma kung saan ginampanan niya ang role ni Teresa – isang ina na todong pinagsisikapang makuha muli ang loob ng kanyang anak na babae.

Nakuha nila Zanjoe at Pokwang ang respeto ng kanilang mga katrabaho at ng mga kritiko, at pati na rin ang pagmamahal ng kanilang mga tagahangga dahil sa kanilang aking talento bilang dalawa sa pinaka-mahuhusay na komedyante sa industriya ngayon.


Ang My Illegal Wife ang pagbabalik tambalan nina Zanjoe at Pokwang sa pinilakang tabing after Cinco. Dinirehe ng blockbuster director na si Tony Y. Reyes na siyang nasa likod ng ilang hit movies gaya ng 2012’s Enteng Ng Ina Mo, ang My Illegal Wife ay tungkol sa mapagmahal na single mom na si Clarise (Pokwang) na gagawin ang lahat upang mapaligaya ang kanyang pamilya. Papapaniwalain ni Clarise si Papa Henry (Zanjoe) – isang guwapo at machong lalake na may amnesia – na silang dalawa ay legal na kasal sa isa’t-isa. Ano pa kayang mga lihim ang mabubuking ni Henry sa kanyang buhay?

Hindi lamang isang laugh-a-minute comedy ang My Illegal Wife para sa buong pamilya ngunit isa rin itong heartwarming na istorya na ipinapakita ang mga limitless na boundaries ng tunay at pangmatagalang pagmamahal. Maaring abangan ng mga moviegoers ang isang di malilimutan at nakakaaliw na movie experience kasama ang hysterical tandem nina Z at Powkie at siyempre pa ang kakaibang comedy ni Direk Tony!

Pinagsamasama din ng My Illegal Wife ang ilan sa mga beteranong komedyante ng bansa gaya nina Empoy Marquez, Joy Viado, Pooh, Edgar Allan Guzman, Beauty Gonzalez at si Ms. Anita Linda kasama din sina Mikylla Steven at Ellen Adarna.

Ipapalabas ang My Illegal Wife sa mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Hunyo 11.
For more updates about "MY ILLEGAL WIFE," simply visit www.StarCinema.com.ph, http://facebook.com/StarCinema and http://twitter.com/StarCinema.

No comments:

Post a Comment

Max Marked its Launch with Localized and Immersive Experiences Across Southeast Asia, Taiwan and Hong Kong

Max made its debut across Southeast Asia, Taiwan and Hong Kong with regional activations across seven markets - Indonesia, Malaysia, Philipp...