Wednesday, July 11, 2012

MYRTLE, ITINANGHAL NA TEEN BIG WINNER NG “PBB TEEN EDITION 4”


Ang cosplayer na si Myrtle Sarrosa ang iprinoklamang Teen Big Winner ng “Pinoy Big Brother Teen Edition 4” sa “BFF at the Big Night” noong Sabado (July 7) matapos makalap ang pinakamataas na porsiyento ng pinagsamang save at evict votes laban sa mga katunggaling Big Four housemates.

Kahit na siya ang nakakuha ng pinakamataas na porsiyento ng ‘vote to evict’ votes, nanguna pa rin ang 17 taong gulang na “Cosplay Cutie ng Iloilo” sa kanyang 33.92% na average net votes kontra kina Karen (11.91%), Roy (9.38%), at ang kambal na sina Jai at Joj (9.26%). Mag-uuwi si Myrtle ng P1 milyon, grand appliance showcase, gadget showcase, at Asian tour package.


Second Teen Big Placer naman si Karen ng Mindoro na wagi ng P500,000 at appliance showcase. Pinangalanang Third Big Placer si Roy, isang construction worker, habang Fourth Big Placer naman sina Joj at Jai na siyang unang kambal na nakapasok sa Big Four ng matagumpay na reality program. Nanalo sina Roy at Joj at Jai ng P500,000 at P300,000 at appliance showcase.

Talaga namang pinag-usapan ang bonggang finale sa Internet dahil nag-trend ito sa Twitter sa pangunguna ng hashtag na ‘#PBBTeensBigNight’ sa listahan ng pinaka-pinag-usapang topics sa buong mundo. Nag-trend din ang terms na ‘Jai and Joj,’ ‘Kambal,’ ‘Big Winner,’ ‘Go Roy,’ ‘Alec,’ ‘Clodet,’ at ‘James Reid,’ na siyang Teen Big Winner ng “PBB Teen Clash of 2010.”

Nagbalik-tanaw ang “BFF at the Big Night” na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center sa pagkakaibigan at samahang nabuo sa pinakasikat na bahay sa bansa sa pamamagitang ng pagtitipun-tipon ng dating PBB housemates na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Beauty Gonzalez, Yayo Aguila, Ryan Bang, at marami pang iba. Nagkaroon din ng espesyal na appearances ang Kapamilya celebrities na sina Iza Calzado, Kathryn Bernardo, Matteo Guidicelli, JM de Guzman, Jessy Mendiola, at “PBB Unlimited” Big Winner Slater Young.

Ang “PBB Teen Edition 4” ang ikaapat na teen edition ng international TV franchise mula sa Endemol, na talaga namang tinutukan ng sambayanan dahil sa mga nakakaintrigang kaganapan sa pagitan ng mga mapupusok at emosyonal nitong housemates na nanatali sa PBB house sa loob ng 13 linggo. Nagsilbi ring host para sa edisyong ito ang aktor at dating PBB housemate na si John Prats kasama sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Robi Domingo.

Ang Teen Big Winner na si Myrtle ang ikatlong top cosplayer sa bansa at pangulo ng Sangguniang Kabataan sa kanyang lugar. Naging kontrobersyal man dahil sa naging ugnayan nila ni Yves, kinilala si Myrtle bilang isang lider na may lakas ng loob at sa pagiging mapagkumbaba at mapang-unawa para sa pagtaguyod ng pagkakasundu-sundo ng kapwa housemates.


Bisitahin ang ABS-CBN Social Media Newsroom (SMN) sa www.abscbnpr.com para sa updates, photos, videos, interviews, at presscon podcasts. Sundan ang @abscbnpr sa Twitter at i-'like' ang ABS-CBN SMN sa http://facebook.com/abscbnpr.

No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...