Thursday, April 26, 2012

Isabelle Daza Tampok sa Finale Episode ng Spooky Nights


Dumaan man ang mga taon, hindi maikakaila na ang napakaganda at sexy na aktres na si Carmi Martin ay may asim pa rin.  Kung baga sa mga beauty pageant siya ay forever reigning queen.  Kaya naman tamang tama ang kanyang role sa episode ngayong Sabado ng Spooky Nights ng GMA-7 kung saan makakasama niya ang napakagandang female star ng siyete na si Isabel Daza.  Kasama rin sa finale episode ng show si Bubbles Paraiso.

Sa nasabing episode, gaganap si Carmi bilang Oria, isang beauty queen na noong kanyang kapanahunan ay siyang pinakasikat sa Barangay Papaitan. Ngayon, ang anak naman ni Oria na si Mabel (Isabel Daza) ang gustong sumunod sa kanyang mga yapak.  Ngunit para kay Oria, isa lang dapat ang maging beauty queen sa pamilya.  Tutol man ang kanyang ina, sumali pa rin si Mabel sa Mutya ng Papaitan beauty contest at nanalo.  Ngunit sa gabi ng kanyang koronasyon, may papatay sa kanya.  Ang pinaghinalaan ng mga pulis ay si Pamela (Bubbles Paraiso) na matinding kalaban ni Mabel sa nasabing beauty contest.


Sa labis na pagdadalamhati sa pagkamatay ng kanyang anak, umalis si Oria sa Barangay Papaitan.  Pagkalipas ng ilang taon, muli siyang bumalik sa lugar at pinasimunuan niya ang muling pagbabalik ng Mutya ng Papaitan.  Ngunit sa gabi ng koronasyon, nagpakita ang multo ni Mabel.  Galit na galit ito dahil aniya, siya lang ang nag-iisang reyna ng Papaitan at walang sinuman ang pwedeng umagaw ng korona niya.  Paano haharapin ni Mabel ang katotohanang ang tanging korona na nababagay sa kanya ang yung may stand na korona ng patay na lamang dahil multo na lang siya?  Maipapasa pa kaya sa susunod na reyna ng Papaitan ang korona ni Mabel?

Alamin yan ngayong Sabado sa Spooky Nights presents “Korona” pagkatapos ng Manny Many Prizes sa GMA-7 

No comments:

Post a Comment

Filipino electronic music producer crwn marks career milestone with debut album “Séance”

The album also features collaborations with Nadine Lustre, Jess Connelly, Curtismith, Jason Dhakal and more! Photo by Renzo Navarro  crwn’s ...