Inilunsad ng nangungunang Filipino-owned media at entertainment network ang multi-platform na kampanya sa taunang flag-raising ceremony nito kung saan ipinakita ang special video ng mga Pilipino sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas na nagbabahagi ng pagmamahal at inspirasyon sa kani-kanilang paraan, ano man ang kanilang pinangalingan. Ang video ay napanood sa ABS-CBN TV 2 at sa labas ng Pilipinas via The Filipino Channel (TFC).
Kabilang sa mga Pilipinong ito ang mga sumusunod: Kim Obiso, may-ari ng Jeepeoke mula sa Cebu na nagdadala ng kasiyahan sa pamamagitan ng videoke machine sa loob ng jeep nito; ang masipag na fisherman na si Miag-Ao Ramon Montalgo na sumusuporta sa kaniyang buong pamilya; ang masigasig na magsasaka mula sa Silay, Negros Occidental na si Bonifacio Villarena na hindi nagpapalupig sa mga pagsubok ng buhay; at ang makataong si Jimmy Conil ng Palau’an Tribe na natagpuan ang sarili bilang isang educator sa liblib na lugar ng Palawan sa Luzon.
Ani Lopez, “We want to be able to help shed light on the Filipino values that truly make our country rich through our news and entertainment programs. Through our talent reality shows and sports programs, we also hope to help develop the talents and fighting spirit of Filipinos everywhere.”
Dagdag pa niya, kabilang sa pagbabahagi na ito ang ABS-CBN Regional na nasa ika-30 taon na ng pagseserbisyo sa 33 na istasyon sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng mga ito, nais ni Lopez na mas mapalawig pa ang pagbabahagi ng kultura at kasarinlan ng Pilipinas.
Para makibahagi, gamit ang hashtag ng #OneLoveOnePinas maaaring mag-post sa social media ng mga istorya, larawan at video na ipinapakita ang ating mga Filipino values at culture, kabilang na ang mga pagkain at magagandang tanawin . Maaari namang mapanood ang “One Love, One Pinas” video sa ABS-CBN News at Entertainment Youtube channels. Mapapanood din ito sa labas ng bansa sa pamamagitan ng mga TFC online (www.TFC.tv) at TFC IPTV sa karamihan ng bansa sa buong mundo.
Para sa updates, bisitahin ang, mytfc.com, emea.kapamilya.com, o ang TFC Facebook page na angkop sa inyong lugar. I-follow rin ang KapamilyaTFC or KapamilyaGlobalPR sa Twitter, Facebook, at Instagram.
No comments:
Post a Comment