Showing posts with label One Love One Pinas. Show all posts
Showing posts with label One Love One Pinas. Show all posts

Saturday, June 23, 2018

ABS-CBN inilunsad ang kampanyang “One Love, One Pinas” sa Araw ng Kalayaan

Bilang pagkilala at pagbibigay parangal sa mga natatatangi at magagandang katangian ng mga Pilipino, inilunsad ng ABS-CBN ang “One Love, One Pinas” nitong katatapos lamang na Philippine Independence Day celebrations noong June 12.

Inilunsad ng nangungunang Filipino-owned media at entertainment network ang multi-platform na kampanya sa taunang flag-raising ceremony nito kung saan ipinakita ang special video ng mga Pilipino sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas na nagbabahagi ng pagmamahal at inspirasyon sa kani-kanilang paraan, ano man ang kanilang pinangalingan. Ang video ay napanood sa ABS-CBN TV 2 at sa labas ng Pilipinas via The Filipino Channel (TFC). 

Kai Buizon captures the magic of romantic serendipity in new track “Milagro”

The song was inspired by the Japanese concept of Koi No Yokan, which reveals a more nuanced and intuitive take on “love at first sight” Risi...