Monday, February 8, 2016

“Pangako Sa ‘Yo,” nakatakdang magtapos ngayong Peb 12 - Pangako Nina Yna At Angelo, Mapapanidigan Kaya Hangang Sa Huli?

Isang hindi malilimutang pagtatapos ang pangakong hindi dapat bitawan ng mga manonood sa huling mga araw ng iconic teleseryeng "Pangako Sa 'Yo" na pinagbibidahan ng Asia’s emerging love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nakatakdang magwakas ngayong Pebrero 12 ang retelling ng classic Filipino love story, na sunod-sunod ang mga papuri at tagumpay na natanggap simula nang umere ito noong Mayo 2015.


Isa na rito ang patuloy na pag-angat ng love team nina Kathryn at Daniel at ang naging positibong impact nito sa kani-kanilang mga karera.

“Ang project na ito ang naging stepping stone namin ni DJ (Daniel) para mas maging open sa mature roles. Ito ang perfect project kasi natimpla na, hindi kami binigla na pilit ang pagiging mature, pero makikita mo na nag-grow talaga. ‘Yun naman talaga ang goal, na ibang side ang maipakita sa amin,” pahayag ni Kathryn, na gumaganap bilang Yna sa serye.

Hindi naman maiwasan ni Daniel na gunitain ang pinaka-hindi niya malilimutang eksenang ginawa niya para sa serye. “’Yung trailer na tumatakbo kami sa burol, memorable para sa akin ‘yun, kasi ‘yun ang simula ng lahat. ‘Dun namin na feel na ito na nga. Legendary ang eksena na ‘yun para gawin namin. Honor ‘yun para sa amin,” ibinahagi ni Daniel.

Ngunit bukod pa sa mga karakter nina Daniel at Kathryn, higit ding tinangkilik at minahal ng publiko ang love team nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion na “AmorAdo.”

Sa katunayan, nakipagsabayan na rin sina Jodi at Ian sa kiligan at pagpapatili sa kanilang fans dahil sa hindi maiitinding chemistry nila on-screen.

Tumatak din sa remake ang tindi ng acting nina Jodi at Angelica Panganiban bilang sina Amor Powers at Claudia Buenavista. Gaya ng unang “Pangako,” hindi binigo ng dalawa ang mga manonood pagdating sa paglalahad ng emosyong dala ng poot, tapang, at katauhan ng kani-kanilang mga karakter.

Sa nalalabing araw ng “Pangako Sa ‘Yo,” tuluyan na ngang nalaman nina Amor (Jodi) at Eduardo (Ian) na si Yna at Maria Amor ay iisa, sa kabila ng pagsisikap ni Claudia (Angelica) na itago sa kanila ang katotohanan.

Ngunit kasabay ng pagbubunyag nito ay ang rebelasyong magkapatid sina Yna at Angelo (Daniel), na kamakailan ay nangakong ibibigay ang buong pagmamahal sa isa’t isa sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib.

Paano nito maaapektuhan ang pangako ng pag-ibig nina Yna at Angelo sa isa’t isa? Paano nga ba maibubunyag ang pangako ng katotohanang hindi si Eduardo ang tunay na ama ni Angelo, kundi si Simon (Alex Medina)? May magagawa pa ba si Claudia para sirain ang kaligayahan nina Amor at Eduardo?

Sa nakaraang siyam na buwan, patuloy na namamayagpag ang “Pangako Sa ‘Yo” at gabi-gabi ring panalo sa puso ng mga manonood.

Sa katunayan, nakuha ng programa ang all-time high na national TV rating nitong 40.6% noong Martes (Feb 2), kung saan pinakita ang nalalapit na pagtuklas nina Amor at Eduardo na buhay pa ang kanilang anak na si Maria Amor.

Naghari rin ang “PSY” online sapagkat ito ang kauna-unahang teleseryeng nakakuha ng 1 milyong tweets sa Twitter noong Hunyo 2015 sa pamamagitan ng “Batas ng Alipin” episode nito. Bukod pa riyan, ang “PSY” rin ang naging most searched na TV series sa bansa noong 2015, ayon sa search engine na Google Philippines.

Kasabay din ng patuloy na pangunguna ng programa ay ang mga pagkilalang nakuha nina Kathryn at Daniel mula sa iba’t ibang award-giving bodies, kabilang na ang Face of the Year Awards sa Vietnam, RAWR Awards ng LionHearTV, PUSH Awards, ASAP Pop Teen Awards, at ALTA Awards.

Bukod pa sa top-selling merchandise ng programa, dinumog din ang cast ng serye sa iba’t ibang mall shows at “Thanksgiving Day” legs nito sa bansa at maging sa Estados Unidos.

Huwag palampasin ang mga huling araw ng classic love story ng mga Pilipino, “Pangako Sa ’Yo,” gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa exclusive updates, mag-log on sa Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreativesTV. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Pangako Sa ’Yo” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

No comments:

Post a Comment

Filipino electronic music producer crwn marks career milestone with debut album “Séance”

The album also features collaborations with Nadine Lustre, Jess Connelly, Curtismith, Jason Dhakal and more! Photo by Renzo Navarro  crwn’s ...