Thursday, January 28, 2016

Bailey Opisyal Na Recording Artist Na!

Mula sa pagiging isang internet sensation na gumagawa ng covers ng mga sikat na kanta, natupad na ng dating “Pinoy Big Brother 737” 4th Teen Big Placer na si Bailey May ang kanyang pangarap na maging isang ganap na recording artist.

Kamakailan, inilunsad na ng Star Music ang kauna-unahang album niya na tiyak na kakikiligan ng fans.

“I'm so blessed to have my own album and to have worked with such great writers and producers. It's also an awesome blessing that my dream has come to be a part of the Star Music Family. God is good,” pahayag ni Bailey.


Talaga namang blessed ang tinaguriang Global Gwapito ng UK dahil mismong ang Inspirational Diva na si Jamie Rivera ang nagsilbing overall album producer ng kanyang unang album na pinamagatang “Bailey.”

Bukod diyan, si Jamie rin ang nag-compose ng dalawa sa anim na tracks sa album – ang “Can You Be My Girl” at ang unang single ni Bailey na “Gusto Kita.”

Tiyak na kakakiligan din ng fans ng binata ang tunog-hiphop na “Boom Goes My Heart,” ang certified pop song na “Now We’re Together,” ang nakaka-inspire na “Gotta Win,” at ang revival niya ng “Build Me Up, Buttercup.”

Bahagi rin ng album ang minus one versions ng lahat ng kanta. Ang “Bailey” ay kasalukuyan nang napapakinggan sa Spotify at malapit nang mabili sa record bars nationwide. Maaari na ring madownload ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, at Starmusic.ph.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

No comments:

Post a Comment

Filipino electronic music producer crwn marks career milestone with debut album “Séance”

The album also features collaborations with Nadine Lustre, Jess Connelly, Curtismith, Jason Dhakal and more! Photo by Renzo Navarro  crwn’s ...