Thursday, May 10, 2012

SINGERS AT RAKISTA, NAGSAMA-SAMA PARA SA ‘THE ERASERHEADS’ TRIBUTE ALBUM

Bilang pagpupugay sa natatanging kontribusyon The Eraserheads sa musikang Pilipino, isang tribute album ang binuo ng Star Records at Star Cinema para sa nasabing iconic Filipino pop-rock band at sa mga tagahanga nito mula sa iba’t ibang henerasyon. Sa "The Reunion: An Eraserheads Tribute Album," pinagsama-sama ang 14 na hindi malilumutang kanta ng The Eraseheads na binigyan ng bagong tunog ng ilan sa pinakasikat na banda at soloista sa bansa. Mapakikinggan sa album ang 'Alapaap’ na inawit ng 6cyclemind kasama si Eunice ng Gracenote, ‘Minsan’ ng Callalily, ‘Overdrive’ ni Vin Dancel, ‘Fine Time’ ni Marc Abaya ng Kjwan, ‘Super Proxy’ ng Razorback kasama si Gloc9, ‘Kailan’ ni Ney at Yeng Constantino, ‘Kaliwete’ ng Hilera, ‘Maling Akala’ ng Itchyworms, ‘Ligaya’ ng Mayonnaise, ‘Pare Ko’ ni Johnoy Danao, ‘Ang Huling El Bimbo’ ni Jay Durias, ‘Magasin’ ng Chicosci, ‘With A Smile’ ni Aiza Seguerra kasama si Mike  Villegas, at ‘Hey Jay’ ng Tanya Markova. Mabibili na sa Miyerkules (May 9) ang "The Reunion: An Eraserheads Tribute Album" sa mga record bar sa buong bansa. Para sa karagdagang impormasyon, mag log on sa facebook at hanapin ang http://facebook.com/starrecordsphil; o 'i-follow' ang  @starrecordsph sa Twitter.

Wednesday, May 9, 2012

XIAN, CERTIFIED RECORDING ARTIST NA


Singing talent ng isa sa 'hottest actors' ng bansa, ibibida sa "So It's You" album ng Star Records… 
  
Todo arangkada na ang career ni Xian Lim sa showbiz. Dahil ang isa sa mga pinakatinitiliang aktor ngayon sa bansa ay isa nang certified singer! 

Matapos pakiligin ang sambayanan sa "My Binondo Girl" katambal si Kim Chiu, pakiligin ang mga kababaihan sa kanyang magazine covers at TV commercials, at ipamalas ang hosting skills sa kagaganap lamang na Bb. Pilipinas, ang kanyang singing talent naman ang ibabahagi ni Xian sa sambayanan sa paglabas ng kauna-unahang album niya na may titulong “So It’s You.” 

“Pangarap ng bawat musician ang magkaroon ng sariling album kaya sobrang saya ko noong nalaman ko na magagawa ko siya kasi ito talaga yung gusto kong gawin,” pahayag si Xian. 
  
Sa ilalim ng produksyon ng Star Records, limang tracks ang laman ng album ni Xian kabilang ang carrier single nitong original composition mismo ni Xian na “Puso Kong Hibang,“ang theme song ng teleseryeng “My Binondo Girl” na “Ako’y Sa’yo Lamang,” at ang sariling bersyon ni Xian ng mga OPM hit songs na "So It’s You,” “Reaching Out” at “Oh Babe.” 
  
Ang “So It’s You” album ay maari nang ma-download sa www.starrecords.com.ph,www.mymusicstore.ph, at sa iTunes sa www.amazon.com sa Mayo 10. 
  
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records nawww.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.

Tuesday, May 8, 2012

Mga Taga-suporta ni Myrtle sa Cosplay World, Nag-ala Avengers


Suot  ang kanilang mga costume, nag-ala “Avengers” ang mga cosplayers at mga kaibigan na sumusuporta kay Myrtle sa may labas ng  PBB House.  Si Myrtle ang #3 sa ranking ng pinaka-sikat na cosplayers sa bansa, sunod kina Alodia Gosengfiao at Ashley Gosengfiao.  Sa katunayan, tumalon sa higit na 200 libong  fans na ang bilang ng kanyang facebook fans matapos ang unang linggo pa lamang sa loob ng “Bahay ni Kuya” House.  Dala-dala ang placards na may mensaheng “I-save natin ang Cosplay Princess!”  , nag full force sila para ikampanya ang dalaga na para sa kanila ay huwarang teenager at dapat manatili sa loob ng PBB House. “Mahal namin si Myrtle! Araw-araw kaming nanonood ng PBB Teen Edition dahil sa kanya, ” sabi ng isang cosplayer. 

Galing sa isang magandang pamilya sa Iloilo, si Myrtle ay isang Accounting student sa UP Visayas. Matalino’t masiyahin, siya ay Sangguniang Kabataan (SK) President pa. Marami ang bumibilib sa napakabait at malambing na dalagang ito dahil nababalanse niya ang kanyang academics at extra-curriculars. Ang pagsali sa PBB ay isang bagay na noong una ay ayaw ng kanyang mga magulang ngunit namayani sa kanila ang pagmamahal sa anak na gustong gustong sumali at nangakong magiging responsable sa sarili at hindi magpapabaya sa pag-aaral. 

Thursday, April 26, 2012

Isabelle Daza Tampok sa Finale Episode ng Spooky Nights


Dumaan man ang mga taon, hindi maikakaila na ang napakaganda at sexy na aktres na si Carmi Martin ay may asim pa rin.  Kung baga sa mga beauty pageant siya ay forever reigning queen.  Kaya naman tamang tama ang kanyang role sa episode ngayong Sabado ng Spooky Nights ng GMA-7 kung saan makakasama niya ang napakagandang female star ng siyete na si Isabel Daza.  Kasama rin sa finale episode ng show si Bubbles Paraiso.

Sa nasabing episode, gaganap si Carmi bilang Oria, isang beauty queen na noong kanyang kapanahunan ay siyang pinakasikat sa Barangay Papaitan. Ngayon, ang anak naman ni Oria na si Mabel (Isabel Daza) ang gustong sumunod sa kanyang mga yapak.  Ngunit para kay Oria, isa lang dapat ang maging beauty queen sa pamilya.  Tutol man ang kanyang ina, sumali pa rin si Mabel sa Mutya ng Papaitan beauty contest at nanalo.  Ngunit sa gabi ng kanyang koronasyon, may papatay sa kanya.  Ang pinaghinalaan ng mga pulis ay si Pamela (Bubbles Paraiso) na matinding kalaban ni Mabel sa nasabing beauty contest.

Saturday, April 21, 2012

Bianca King files for divorce from Luis Alandy


Viewers can expect a lot of dramatic confrontations in the afternoon drama, Broken Vow, as Bianca King’s character faces the toughest and most painful decision in her life in the episodes this week. 

After Roberto (Gabby Eigenmann) uncovered the secrets of Felix (Luis Alandy), he confessed to Melissa that her husband Felix and her rapist is one and the same person. Melissa is shattered and devastated by this revelation and feels betrayed by the man to whom she entrusted her life. 

Roberto urges Melissa to file a rape case against Felix and put him behind bars for his misdeed. He even hires a lawyer to help expedite the process. But according to their lawyer, Melissa cannot file a case unless she divorces Felix in court.

Thursday, April 19, 2012

Nomer Limatog guests on Tropang Potchi this Saturday

Nomer Limatog, the youngest contestant in the talent search Protégé: The Battle for the Big Break, will guest this Saturday in GMA’s educational morning program for kids Tropang Potchi.

Nomer portrays Sab’s friend but unknown to Sab, he’s got a crush on her. He tries to impress her by helping her out in her school homework and projects. Sabrina feels Nomer is such a great help, but Sab’s ka-potchi Julian Trono, Miggy Jimenez, Bianca Umali, Liane Valentino and Lenlen Frial think Sab’s already going too far – she’s beginning to take advantage of Nomer’s kindness and makes him do all her assignments. What will her ka-potchi do to correct her attitude?

Also this Saturday, Sab and Miggy will take viewers to Negros, where they embark on a nature trip, discover the province’s rich artistry and history, and visit its century-old houses.

Have fun while learning this Saturday on Tropang Potchi, 9:00am on GMA-7. Tropang Potchi is sponsored by Columbia International Food Products, the makers of Potchi, V-Fresh, My Juiz, Champy and So Lucky Crackers. 

Friday, April 13, 2012

Tropang Potchi mamamasyal sa Bataan at Corregidor

Sa pagpapatuloy ng Pinoy Summer Special ng programang Tropang Potchi ng GMA-7, and probinsiya ng Bataan at isla ng Corregidor naman ang susunod na papasyalin ng mga kiddie cast nito.


Samahan sina Julian Trono, Miggy Jimenez at Bianca Umali sa kanilang excursion sa Bataan kung saan ay magpapakawala sila ng isang batang pawikan sa dagat sa tulong ng Pawikan Conservation Center.  Sa Bataan din makikita ang pinaka-malaking krus sa buong mundo – ang Dambana ng Kagitingan na itinayo para bigyang pugay ang mga sundalong nagbuwis ng kanilang mga buhay noong World War II. 


Mula Bataan ay nag-boat ride naman patungong Corregidor ang tatlo kung saan binisita nila ang tanyag na Japanese Tunnel, lighthouse at Malinta Tunnel.  Sa Corregidor, isang kakaibang activity ang kanilang sinubukan, ang magpataasan ng pinagpatong-patong na bato o tinatawag na rock balancing.  Sinubukan din ng tatlo ang kayaking.

Kai Buizon captures the magic of romantic serendipity in new track “Milagro”

The song was inspired by the Japanese concept of Koi No Yokan, which reveals a more nuanced and intuitive take on “love at first sight” Risi...