
Sa "I AM U," tampok ang magkatulad sa itsura ngunit magkasalungat sa kinalakihan na sina
Elise, na lumaki sa layaw, at Rose, na walang wala sa buhay.
Magtatagpo ang landas ng dalawa nang iligtas ni Rose ang buhay ni Elise. Dahil sa pagtanaw niya ng utang na loob, ituturing ni Elise na kambal si Rose, at papapasukin ito sa marangya niyang pamumuhay--kasama na ang kanyang mga damit, bahay, pamilya, at
mga kaibigan.