Monday, February 24, 2020

Streaming na sa iWant ngayong Pebrero 26 - Dalawang Julia Maghaharap Hangga't Isa Lang Ang Matira Sa "I AM U"

Sunod-sunod na kamalasan at pagkamatay ang haharapin ni Julia Barretto matapos niyang papasukin sa buhay niya ang isang babaeng kamukhang kamukha niya sa "I AM U," ang bagong iWant original series na mapapanood sa iWant simula Pebrero 26 (Miyerkules).
Sa "I AM U," tampok ang magkatulad sa itsura ngunit magkasalungat sa kinalakihan na sina
Elise, na lumaki sa layaw, at Rose, na walang wala sa buhay.

Magtatagpo ang landas ng dalawa nang iligtas ni Rose ang buhay ni Elise. Dahil sa pagtanaw niya ng utang na loob, ituturing ni Elise na kambal si Rose, at papapasukin ito sa marangya niyang pamumuhay--kasama na ang kanyang mga damit, bahay, pamilya, at
mga kaibigan.

Dahil unti-unting magiging komportable si Rose sa bago niyang mundo, maiinggit si Elise at
nanaising mawala ito sa kanyang landas.Sa isang party na magbabago ng lahat, papaikutin ni Elise si Rose at papapasukin ito sa isang aparador habang naglalaro ng "Truth or Dare." Ngunit habang nasa loob si Rose, magsisimula ang isang apoy, at maiiwan itong nakakulong.

Pagtatakpan ni Elise at ng kanyang mga kaibigan ang nangyari at pipilitin itong kalimutan. Ngunit hahabulin sila ng kamatayan, at iisa-isahin sila.

Ano ang koneksyon ng mga ito sa pagkamatay ni Rose? Sino na lang ang matitirang buhay?

Ang "I AM U" ay mula sa direksyon ni Dwein Ruedas Baltazar, ang direktor din ng iWant original series na iWant's "Past, Present, Perfect?" at "Uncoupling," sa produksyon nina ng Dreamscape Entertainment at The IdeaFirst Company. Tampok din sa cast nito sina Ina Raymundo, Richard Quan, Cedrick Juan, Kokoy De Santos, Adrianna So, Claire Ruiz, Lander Vera Perez, Yayo Aguila, Jenny Miller, at Tony Labrusca.

Panoorin ang "I AM U" simula Pebrero 26 (Miyerkules) sa iWant app (iOs at Android) o sa
iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, o mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.

No comments:

Post a Comment

Kenshi Yonezu releases “Azalea” as theme song for Netflix global series, Beyond Goodbye

Global crossover J-pop artist KENSHI YONEZU continues to reach new heights with his new song “Azalea”, a song written as the theme song for ...