Thursday, November 18, 2021

Janine, Relatable Ang Bagong Single Na “PAGOD NA AKO”

Unang collab kasama si Juan Karlos Labajo bilang producer

May paalala si Janine Berdin sa halaga ng pagpapahinga sa harap ng kabi-kabilang problema sa buhay sa pinakabago niyang single na “Pagod Na Ako” mula sa Star Music.

Ani Janine, habang sinusulat niya ang kanta, gusto niyang ipaalala sa sarili niya na ayos lang na mapagod at na mas lalala ang pinagdadaanan niya kung hindi niya aamining nahihirapan na siya.

Ipinrodyus ng “The Voice Kids” alum na si Juan Karlos Labajo ang “Pagod Na Ako,” na tungkol sa emosyon ng isang tao na para bang nauupos na. Pero meron din itong mahalagang mensahe tungkol sa pagyakap sa hindi pagiging okay.

Ani Juan Karlos, sobrang proud siya kay Janine nang marinig niya ang final product ng kanta. "I just helped her out on how to materialize what she had in mind and put it into music, into reality. But how you hear this song is really Janine's genius. Ako lang 'yung isa sa mga instrument na tumulong."

Para kay Janine, paalala ang kanta na mahalagang tanggapin na may pinagdadaanan ang isang tao. Paliwanag niya, “Okay lang mag-set ng big goals at high expectations para sa sarili mo pero kung masyado ka nang nas-stress at naaapektuhan na ang overall well-being mo, dapat aminin mo rin ‘yun.”

Bagong adisyon ang “Pagod Na Ako” sa mga sariling komposisyon ng “Tawag ng Tanghalan” champion kabilang na ang mga single niyang “The Side Character” at “Wala Ako N’yan” na inilalarawan ang mga pananaw niya sa buhay. Regular siyang napapanood sa “ASAP Natin ‘To” kasama ng iba pang New Gen Divas.

‘Wag matakot magpahinga at pakinggan ang bagong single ni Janine na “Pagod Na Ako” sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).



No comments:

Post a Comment

She’s Back! Japanese Superstar Ado Returns For Her Second World Tour, “Hibana,” Powered By Crunchyroll, Hitting Major Global Arenas

The Viral Japanese Music Sensation Will Be Lighting Up Over 30 Cities Across The World  Crunchyroll, the global brand for anime, has announc...