Nahanap na ng P-Pop community ang bagong star matapos tuloy-tuloy ang pagtrending at pag-ani ng positive reviews ng music video ng debut single na "The Light" ng BGYO.
Nakalikom na ng 700,000 views sa YouTube channel at Facebook page ang naturang music video at patuloy ang pagtaas nito.
Unang nakilala bilang SHA Boys, nakuha agad ng mga miyembro nitong sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang loob ng mga Pinoy nang umikot ito sa iba't ibang Kapamilya shows. Ang kanilang performance sa "It's Showtime" ay tumabo ng milyong views at umani din ng maraming paghanga dahil sa angking galing ng grupo.
Sa pagpremiere ng music video sa kanilang launch, muling napakita ng grupo ang kanilang talento. Para sa BGYO, resulta daw ito ng kanilang pagsisikap.
“All the hardwork was worth it, now that I’m seeing the video for the first time,” ani ni Akira.
Para sa lider ng grupo na si Gelo, ito ay rurok ng kanilang mahaba at mahirap na pinagdaanan. “Nakakaiyak yung makita mo yung journey naming leading to this,” sabi niya.
Samantala, ramdam din ang buhos ng suporta ng fans nila sa launch sa libo-libong tweets at comments na pinost nila sa social media na puno ng paghanga sa kanila.
“Those vocals and choreo. Plus points their visuals! Complete package. ABS-CBN hit a jackpot here," ani ni Rose Diaz.
"Madaming ibubuga. Yung charisma nila sa stage (ung swag) andoon. Their visuals are all superb. Good voice too. Hindi ko makalimutan ung sa Asap! Doon ako unang naamaze sa kanila. How well they performed despite their struggle w/ their lapels," tweet ni @poreveryoung.
Ang debut single ng BGYO na "The Light" ay tungkol sa 'empowerment,' 'pag-asa,' at pagmamahal sa sarili.
Isa sa mga nakukha ng inspirasyon sa kanta ay si Jaycel Ann Sumayod na nagkomento sa Youtube, “I am really amazed that their first debut song is all about not giving up in chasing our dreams not the romance drama song that most artists release. For me it is very timely most especially we are
all in this pandemic and this online class really give us a struggle but we must be brave at ipaglaban ang ating mga pangarap. Kudos to BGYO and the whole team who planned all of this especially ABS-CBN. You all really work hard for this success! Thank you! Stan BGYO! Stream.”
Komento ni X- LEI참, “This song is so Lit. Sana meron dito yung "Song of the Year" at "Artist of the year." Can't wait to see more about "BGYO."
Sinabi rin ni BGYO Mikki na may plano silang i-translate ang kanta sa iba't ibang lenggwahe para ma-appreciate din ng fans nila sa iba't ibang bansa.
Matapos ang kanilang ekslusibong launch, napanood din sila muli sa "ASAP Natin To," kung saan pinerform nila ang kanilang debut single sa telebisyon.
Samantala, sa mga hindi nakapanood ng launch noong Biyernes (Enero 29) ay maari nila itong mapanood sa Pebrero 7 (Linggo) sa A2Z ng 4PM, Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live ng 11PM, TFC, at iWantTFC.
No comments:
Post a Comment