Showing posts with label Akira. Show all posts
Showing posts with label Akira. Show all posts

Wednesday, February 3, 2021

Music video para sa debut single na "The Light," tumabo ng libo-libong views...

Nahanap na ng P-Pop community ang bagong star matapos tuloy-tuloy ang pagtrending at pag-ani ng positive reviews ng music video ng debut single na "The Light" ng BGYO. 

Nakalikom na ng 700,000 views  sa YouTube channel at Facebook page ang naturang music video at patuloy ang pagtaas nito.  

Unang nakilala bilang SHA Boys, nakuha agad ng mga miyembro nitong sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang loob ng mga Pinoy nang umikot ito sa iba't ibang Kapamilya shows. Ang kanilang performance sa "It's Showtime" ay tumabo ng milyong views at umani din ng maraming paghanga dahil sa angking galing ng grupo.  

Sa pagpremiere ng music video  sa kanilang launch, muling napakita ng grupo ang kanilang talento. Para sa BGYO, resulta daw ito ng kanilang pagsisikap.  

Global Stars Take To The Stage At Isle Of MTV Malta 2025, Airing On MTV Live On Sunday, 14 September

MTV’s annual Isle of MTV Malta festival featured performances from international artists ALOK, Damiano David and Ella Henderson, plus a set ...