Mas maraming Pilipino ang makakahanap ng trabaho sa "Trabahanap," ang bagong serbisyong pampubliko ng ABS-CBN na naghahatid ng job openings sa construction, factory, fastfood center, at marami pa.
"Dahil sa Trabahanap maisasakatuparan ang layunin ng ABS-CBN na magdala ng serbisyo sa Pilipino dahil makakatulong ito sa maraming taong naghahanap ng trabaho," sabi ni Mark Awiten, ang head ng Trabahanap at CineMo channel.
Ang job placement service na ito ay matatagpuan sa sarili nitong website, sa CineMo Channel, sa INFOPIus ng ABS-CBN TVplus, at sa mga job fair.
"Siniguro naming makikita ng mga Pilipino ang mga job opening kung kaya gumawa kami ng tatlong paraan para dito," sinabi ni Awiten.
"Para sa amin, pantay ang halaga ng pagkakaroon ng trabaho sa pagkakaroon ng masayang pamumuhay kasama ang kapamilya," sinabi ni Awiten.
Kung malapit lamang ang tahahan ng mga mangagaqawa sa pinagtatrabahuhan, bawas rin ang stress at pati na rin sa gastos pagcommute. "Ang perang kanilang maiipon ay pwede nang gamitin sa ibang pangangailangan sa tahanan,' dagdag ni Awiten.
Sasali rin ang Trabahanap sa mga job fair iba't ibanq bahagi ng bansa para mas makita ang mga job opening na hatid nito at para na rin makatulong sa mga walang paraan para magregister sa website.
Ang job listings ay patuloy naman na mapapanood sa dulo ng mgd palabds sa CineMo channel rig ABS-CBN TVplus.
Inaanyayahan ang publiko na abangan sa CineMo channel at sa Facebook rig Trabahanap ang mga announcement tungkol sa mga job fair na sasalihan ng ABS-CBN Sopresaya truck tour.
No comments:
Post a Comment