Thursday, November 21, 2019

DAMASO: Isang Pagtingin Sa Kwento Noon At Ngayon

Umuulit nga ba ang Kasaysayan?
Kaya ba nating isulat muli ang nagdaan?
Babaguhin mo ba ang nakaraan?

Storya ito ng manunulat na si Fernando Damaso na isasabuhay ang kontrobersyal na karakter na sina Padre Damaso, Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Sisa, at iba pa., sa hangaring gamitin ang paggawa ng pelikula para ipakita ang kabutihan at kasamaan sa nakalipas at kasalukuyang lipunan.

Ang DAMASO ay isang musical sa loob ng isang pelikula na sasalamin sa sitwasyon sa gobyerno ngayon ng Pilipinas at ng industriya ng paggawa ng pelikula na hindi nagkakalayo sa kung paano naabuso ang mga pinoy noong panahon ng mga Kastila sa pangunguna ng isang prayle.

Isinasalarawan rin dito ang kwentong pag-iibigan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara sa gitna ng kanilang pagsasakripisyo para sa kanila pamilya at sa bayan.

Papasukin din natin ang isipan ng mga karakter sa pagbuo ng isang pelikula upang makita ang kanilang totoong nararamdaman at diskarte sa dimunanong nanganganib na entertainment business.


Ang DAMASO ay isang obrang puno ng kantahan, iyakan, pag-iibigan, kontrobersya at realisasyon na mag-iiwan sa sa’yo ng mapanghamong tanong…

Ikaw ba ay/si DAMASO?

Pinagbibidahan ng mga pinagsamasamang batikang mga artista noon at ngayon sa pangunguna nina Vina Morales, Nyoy Volante, Marlo Mortel, Arnel Ignacio, Ejay Falcon, at Aiko Melendez.

Ipinapakilala sina Jin Macapagal, Riva Quenery. Also starring Leo Martinez, Arnel Rivera, Irma Adlawan, Lou Veloso, Ketchup Eusebio, Luke Conde, Mon Confiado, Arlene Muhlach, at Allan Paule.

With special participation of Arman Reyes, Richard Quan, Pinky Amador, Jon Achaval, Jim Pebango Simon Ibarra, Noel Comia, Tess Antonio, Gerald Ejercito MJ Lastimosa, Ernie Garcia, Ronnie Lazaro, Ynigo Delen, Ricardo Cepeda, Michael Flores, Carmi Martin, Soliman Diaz, Archie Adamos, Jenine Desiderio, Desiderio, Dexter Doria, Biboy Ramirez.

Sa direksyon ni Joven Tan sa ilalim ng Regis Films at Reality Entertainment, palabas na sa mga sinehan.

No comments:

Post a Comment

A Heartfelt Journey of Faith and Redemption: “Paquil” Brings Tradition to Life in a Powerful New Film Starring Beauty Gonzalez and JM de Guzman

Resiko Entertainment Production proudly unveils "Paquil", a stirring and culturally rich film exploring themes of faith, identity,...