Umuulit nga ba ang Kasaysayan?
Kaya ba nating isulat muli ang nagdaan?
Babaguhin mo ba ang nakaraan?
Storya ito ng manunulat na si Fernando Damaso na isasabuhay ang kontrobersyal na karakter na sina Padre Damaso, Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Sisa, at iba pa., sa hangaring gamitin ang paggawa ng pelikula para ipakita ang kabutihan at kasamaan sa nakalipas at kasalukuyang lipunan.
Ang DAMASO ay isang musical sa loob ng isang pelikula na sasalamin sa sitwasyon sa gobyerno ngayon ng Pilipinas at ng industriya ng paggawa ng pelikula na hindi nagkakalayo sa kung paano naabuso ang mga pinoy noong panahon ng mga Kastila sa pangunguna ng isang prayle.
Isinasalarawan rin dito ang kwentong pag-iibigan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara sa gitna ng kanilang pagsasakripisyo para sa kanila pamilya at sa bayan.
Papasukin din natin ang isipan ng mga karakter sa pagbuo ng isang pelikula upang makita ang kanilang totoong nararamdaman at diskarte sa dimunanong nanganganib na entertainment business.