
Dulunsad ni Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid ang kaniyang first-ever solo single na pinamagatang "Nawawala" sa ilalim ng GMA Music.
Sa komposisyon nina Kettle Mata, Roger Alcantara, at Enzo Villegas, ang "Nawawala" ay isang kantang napupuno ng emosyon at 'hugot,' na kukurot sa puso ng mga makikinig.
Kuwento ni Ruru, natuwa siya sa areglo ng kanta at sa lyrics nito dahil may inihahatid itong magandang mensahe, "The first time na binigay nila sa akin ito, nagulat ako talaga. Ang ganda at damang-dama. Everytime na may ginagawa tayo sa buhay natin, i-aapply natin 'yung mga natutunan natin sa past."

Ilulunsand ang music video ng "Nawawala" na idinirek ni Miggy Tanchanco at tampok ang Kapuso star na si Kelley Day sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Music.
Available na ang "Nawawala" sa mga digital streaming platforms na Spotify at Apple Music.
No comments:
Post a Comment