Pinalilibutan tayong lahat ng kasamaan at sa kauna-unahang horror film ng Black Sheep na Clarita ay mapapanood na ng sambayanan ang katatakutan sa likod ng first recorded possession dito sa ating bansa na sumindak sa buong mundo. Kilala na si Jodi Sta. Maria bilang isa sa pinaka-versatile na aktres dito sa Pilipinas at bilang si Clarita ay handa na siyang manindak ng mga manonood sa kanyang natatanging pagganap.
Bago pa man naging uso ang katagang "viral" ay una nang naging viral ang kaso ng pag-eksorsimo kay Clarita Villanueva matapos itong pagusapan sa buong mundo noong dekada 50.
pagkakataon sa big screen ay mae-experience ng mga manonood ang isang kuwento na hango sa totoong mga pangyayari mula sa ating nakaraan.
Sa kanaisan ng award-winning documentarian at filmmaker na si Derick Cabrido na dalhin ang kuwento ni Clarita sa big screen, dinala niya ang kanyang pelikula sa Black Sheep. Gamit ang kanyang sariling tatak ng katatakutan para sa mga Pilipinong manonood, hiling ni Cabrido na bigyang buhay ang mga pangyayaring nababasa at napaguusapan lamang noon. Kilala si Cabrido mula na rin sa kanyang mga pelikula at dokumentaryong umani ng awards sa loob at labas ng bansa.
Gaya ng mga totoong nangyari noon, naka-set ang pelikula sa dekada 50. Matapos ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga doktor sa isang institusyon ay ipinatawag sina Padre Salvador (Ricky Davao) at Benedicto (Arron Villaflor) upang tulungan si Clarita (Jodi Sta. Maria) na matanggal ang mga demonyong nasa loob raw niya. Susubukan ng mnga pangyayari ang tatag ng pananampalataya ng mga pari habang unti-unting nangingibabaw ang kasamaan sa loob ni Clarita. Isang mamamahayag ang mag-iimbestiga sa mga tunay na pangyayari at siya ring tutulong sa mga pari na mahanap ang katotohonan sa likod ng eksorsismo ni Clarita. Sa kanilang paghahanap ng lunas ay makakaharap nila ang samu't saring balakid na mula sa kasamaan na siyang magpapahirap sa kanilang pagpapalayas sa mga demonyong nasa loob ni Clarita
Ngayong Araw ng Kalayaan, palayain ang mga sarili mula sa kasamaang nasa loob mo sa pamamagitan ng pagnood ng Clarita sa big screen. Masasagip ba ang kaluluwa ni Clarita o tuluyan na bang mangingibabaw ang kasamaan sa loob niya?
Magbubukas ang Clarita sa mga sinehan sa buong bansa ngayorg Hunyo 12.
Kasama din sa pelikula sina Alyssa Muhlach, Romnick Sarmenta, Nonie Buencamino, Angeli Bayani at Che Ramos. Ginawa ang Clarita sa tulong ng Clever Minds inc., at Purple Pig.
No comments:
Post a Comment