Monday, May 13, 2019

Filipino at Japanese artists magsasama-sama sa “IslaFest” fusion festival


Saksihan ang pagsasama ng kulturang Pilipino at Japanese sa tatlong araw na fusion festival na mangyayari sa June 14 hanggang 16 sa Ueno Park sa Tokyo

Ngayong Hunyo, makisaya, makikanta, at mabusog sa kauna-unahang Filipino-Japanese fusion festival na “IslaFest”, na magaganap sa June 14 hanggang 16 sa Ueno Park, sa Tokyo, Japan.
Handog ng Philippine Expo Organizing Committee at TFC ang tatlong araw na event na ito kung saan pinagsama ang kulturang Pilipino at Japanese, mula sa makulay na selebrasyon, masasarap na pagkain, hanggang sa kahanga-hangang pagtatanghal mula sa mga Pilipino at Japanese artists.

“We are excited with the very first Islafest event in Japan, a 3-day Filipino-Japanese fusion event that puts the spotlight on the rich culture and talent of both Filipinos and Japanese. This celebration aims to have a greater appreciation and knowledge about our two countries,” saad ABS-CBN Global Country Manager for North Asia Eric Martin Santos.


Bawat araw, iba’t ibang aktibidad at pagtatanghal ang hindi dapat palagpasin ng lahat.

Bagong genre ng music at pambihirang mga dance numbers ang dapat abangan mula sa lineup ng artists sa June 14: mula sa Pilipinas ay ang mga artists mula sa Tarsier Records na sina artists Inigo, Kiana, Moophs, at Xela; habang mula naman sa Japan ay sina Around Forty Super Idol, YACO, Myrah Kay, Kamen Joshi, Miku Goto & Leon Grace Goto, Shizuka Igarashi, Yuka Ozeki, Ai Ogawa, Kazuki Mizuno & Eri Yoshikawa (the A.M. Dancers), John Michibata, at Jhun Himeno & Hoshino Satoru.

Tagisan naman sa galing sa pagkanta ng mga overseas Filipinos ang mapapanood sa June 15 dahil dito magaganap ang regional finals para sa “MOR Pinoy Pop Icon”, na may kasama pang pagtatanghal mula kay Angeline Quinto, habang ang mga hosts naman ng programa ay ang MOR Philippines DJs na sina DJ Jhai Ho at DJ Kisses. Susundan naman ito ng mga pagtatanghal mula sa mga Japanese artists na sina Beverly, TJ Hirotoshi Maeda, Queen Rocks, 7BRIDGE, GALIANO, at Aisaku, habang kuwelang katatawanan naman ang dala ng tandem nina Akiya Wada and Ookubo Ken na mas kilala bilang Paru-Paro.

Magkakahalong kantahan, sayawan, at katatwanan naman ang mapapanood sa June 16 mula sa Filipino artists na sina Maymay Entrata, Edward Barber, at Jericho Rosales; at Japanese artists na sina FEAM, HPN3, Asuca Taguchi, at Michael David Bodin.

Kaya ayain na ang pamilya at mga kaibigan para makisaya at mabusog sa Filipino-Japanese fusion festival na “IslaFest” sa June 14 hanggang 16 sa Ueno Park, sa Tokyo, Japan. Bukas sa lahat ang event, pero maaari rin ma-enjoy ang front-row seat experience kapag bumili ng VIP ticket sa halagang ¥6,000. Magkakaibang VIP ticket ang gagamitin sa bawat araw ng festival.

Maaaring bumili ng VIP tickets online via http://ktxglobal.abs-cbn.com. Maaari rin bumili ng tickets mula sa mga ticket resellers: WorldCom International (03-6868-3880/080-4347-6888/070-5561-1881/0907-402-8777), MTrend (03-5413-6315), and New Nene’s Kitchen (03-6903-9775).

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa event, bisitahin at i-like ang facebook.com/TFCJapan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

BRGR rises to new level of prominence with music video of the official debut single “SNOWFLAKES”

The future smash also features O SIDE MAFIA’s Gee Exclsv Filipino hip-hop producer BRGR is ready to step into the limelight with his own hea...