Sunday, February 17, 2019

Sina Enrique Gil at Liza Soberano ang "Official Dates" niyo ngayong araw ng mga puso sa Alone/Together ng Black Sheep

Dalawang taon na ang nakalipas mula nang huling napanood sina Enrique Gil at Liza Soberano sa mga sinehan sa pelikulang My Ex and Whys. Ngayong Valentine's Day, napili ng Black Sheep si Direk Antoinette Jadaone para magbigay ng bagong romantic drama sa mga manonood sa  Alone/Together

Sa unang pagkakataon ay makakatrabaho ni Direk Tonet sina Enrique at Liza sa isang pelikulang matagal na niyang gustong gawin. Si Direk Tonet din ang nagsulat ng Alone/Together.

Inaabangan na ng fans ng mga pelikula ni Direk Tonet tulad ng That Thing Called Tadhana at Never Not Love You You ang pinakabagong "masakit" na pelikula na tatak na ng batiking direktor. Matapos ang TV series nilang Bagani ay babalik muli sa big screen ang tambalang LizQuen.

Tungkol ang Alone/Together kay Christine Lazaro (Liza Soberano), isang UP student na nangangarap maging museum director. Nang makilala ni Christine si Rafael Toledo (Enrique Gil) isang pre-med student, nagkaroon ng koneksyon ang dalawa na nauwi sa kanilang pag-ibigan. Tatayong cheerleader ni Christine sa kanyang laban papunta sa pangarap at si Christine naman ang magsisilbing gabay ni Raf upang magkaroon siya ng direksyon sa buhay. Nang maglihis ang kanilang mga landas sa buhay, nagdesisyon si Christine na iwan si Raf.

Matapos ang ilang taon, marami na ang nagbago sa kanilang dalawa. Sa kanilang muling pagtatagpo, mamumuo sa dalawa ang kanilang dating pagkakaibigan. Ito rin ang magsisilbing gabay sa kanilang dalawa upang manumbalik ang kanilang pag-ibigan.

Sa Alone/Together, hangad ng Black Sheep na maibigay ang kakaibang side ng LizQuen na sana ay maging yapak para sa kanilang pagpasok sa mature roles sa isang kwentong hindi malilimutan ng mga manonood. Kinunan ang ibang eksena ng pelikula sa New York City, tampok ang ilang sikat na lugar tulad ng The Metropolitan Museum of Art at ang Central Park. Tampok din sa pelikula ang bagong bersyon ng classic Rivermaya song na "214" na kinanta ni JM de Guzman. Maririnig din sa soundtrack ng pelikula ang mga kantang mula sa Eraserheads at isang bagong kanta mula kay Armi Millare ng Up Dharma Down Ngayong Valentine's Day, samahan natin sina Enrique, Liza at Direk Tonet sa isang journey tungkol sa paghahanap, pagkawala, at pagkikitang muli ng dalawang taong tunay na nag
ibigan. Magsasama bang muli sina Raf at Tin o habambuhay na ba silang magiging mapangisa?

Magbubukas na ang Alone/Together sa mga sinehan sa buong bansa  ngayong February 13 at sunod dito ang worldwide screenings para sa kapwa Pilipino sa iba't ibang parte ng mundo.

Bid rin sa pelikula sina Sylvia Sanchez, Nonie Buencamino, Adrian Alandy, Mary Joy Apostol, Xia Vigor, at Jasmine Curtis Smith.

No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...