Wednesday, May 23, 2018

Bela Padilla at Negi ibabahagi ang #JustLove ArawAraw celebrations sa Taiwan”

Pupunuin ng Kapamilya artists ng pag-ibig at kasiyahan ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, Migrant Workers’ Day at 3rd FILCOM Friendship Fun Run, ng Filipino community sa Taiwan

Isang masaya at makulay na #JustLoveArawAraw celebration ang hatid nina actress-screenwriter na si Bela Padilla at Unkabogable Star Negi sa nalalapit na The Filipino Channel (TFC) hour na pinamagatang “Just Love Araw-Araw in Taiwan” sa June 10 sa New Taipei City Metropolitan Park (Xingfu Shuiyang Park) Sanchong District, New Taipei City, Taiwan.

Ang “Just Love Araw-Araw in Taiwan” ay bahagi ng selebrasyon ng 120th Philippine Independence at Migrant Workers’ Day na inihanda ng Manila Economic and Cultural Office (MECO), at ng 3rd FILCOM Friendship Fun Run na inorganisa ng Federation of Filipino Communities sa Taiwan.


Magdadala ng magkahalong kilig at hugot ang inihandang song numbers ni Padilla, na bukod sa kaniyang husay sa pag-arte na nasaksihan sa huli niyang pelikula na “Meet Me in St. Gallen”, ay kinaaaliwan din dahil sa kaniyang mga ibinabatong hugot lines kina Unkabogable Star Vice Ganda at dancer na si Jackque sa top-rating variety show na “It’s Showtime”.

Sandamakmak na katatawanan naman ang inihanda ni Negi para sa lahat, na sasamahan pa ng mga palarong magdadagdag ng saya sa mga manonood.

Magiging mas makulay naman ang selebrasyon dahil sa mga “Just Love Araw-Araw” shirts na maaaring suotin ng lahat sa araw ng selebrasyon. Ang shirts ay available sa bawat purchase ng TFC online subscription prepaid cards sa mga participating EEC Stores mula May 1 hanggang June 9 na may katumbas na sumusunod na values: 

Tatlong 1-month LITE prepaid cards o isang 3-month LITE prepaid card = isang “Just Love Araw-Araw” shirt
Tatlong 1-month Premium prepaid card o isang 3-month Premium prepaid card = isang “Just Love Araw-Araw” shirt at dalawang photo session passes.


Narito ang listahan ng mga participating EEC Stores:

-EEC Zhongshan Service Station (1F, No. 39, Sec. 3, Zhongshan N. Road, Zhongshan District, Taipei City)
-EEC Tucheng Service Station (1F, No. 4, Lane 22, Minzu St. Tucheng District, New Taipei City)
-EEC Wuku Service Station (1F, No. 1, Lane 86, Wugong 3rd Rd., GuishanTownship, Taoyuan)
-EEC Linkou Service Station (1F, No. 97, Wenhua 2nd Rd., GuishanTownship, Taoyuan)
-EEC Taoyuan Service Station (1F, No. 1-12, Lane 48, Zhongzheng Road, Taoyuan)
-EEC Xinzhuang Service Station (No. 516-35 Zhongzheng Rd., Xinzhuang District, New Taipei City)
-EEC Zhongli Service Station (1F, 30, Zhongzheng Road, Zhongli District, Taoyuan)
-EEC Hsinchu City #2 Service Station (1F, No. 54, Zhongzheng Road, East District, Hsinchu)
-EEC Hukou Service Station (1F, No. 171, Renie Rd., Hukou Township, Hsinchu)

Tripleng selebrasyon ang handog ng “Just Love Araw-Araw in Taiwan” kasama sina Bela Padilla at Negi sa June 10, 1:00 p.m. sa New Taipei City Metropolitan Park (Xingfu Shuiyang Park) Sanchong District, New Taipei City, Taiwan.

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

Ben&Ben unveil first-ever “animation-concert” hybrid

The nine-piece collective aims to revolutionize headline shows with an innovative mix of animation, film, and music performances Filipino ba...