Friday, February 2, 2018

Judy Ann Santos at Angelica Panganiban magsasama sa kauna-unahang pagkakataon sa “Ang Dalawang Mrs. Reyes”

Isang kakaibang kuwento tungkol sa pag-ibig ang tatahakin ng kanilang mga karakter sa drama-comedy film ng Star Cinema na mapapanood sa labas ng bansa via TFC@the Movies

Bubuksan ng Star Cinema ang taong 2018 sa isang proyektong pinagsama ang dalawa sa pinakamahuhusay na aktres ng industriya ngayon na sina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban, sa heart-warming at laugh-out-loud dramedy na pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes”, na mapapanood sa labas ng bansa via TFC@theMovies, sa key countries worldwide ngayong Enero at Pebrero.

Ang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” ay ang unang proyektong pagsasamahan nina Santos at Panganiban, at siya ring nag-marka sa pagbabalik nila sa mainstream cinema. Huling lumabas si Santos sa independent full-length film na Kusina, na isa sa mga opisyal na kalahok sa 12th Cinemalaya Independent Film Festival noong 2016.


“I was praying for a very good project, na i-challenge ako, na ikagugulat ng mga tao ‘yong character ko – mukhang ito na ‘yon. Kasi maski ako hindi ko maisip na ginawa ko ‘to (pelikula), eh”, pahayag ni Santos.

Sa kabilang banda naman, si Panganiban ay nagbabalik-pelikula din matapos siyang parangalan bilang Best Actress sa katatapos lamang na FAMAS 2017 para sa kaniyang mahusay na paganap sa The Unmarried Wife, na ipinalabas naman noong Nobyembre 2016.

Dala ng kanilang mga nakamit na mga parangal at nagawang proyekto, itinuturing ang dalawang aktres bilang showbiz royalties na tinitingala sa indutriya ngayon bunga ng kani-kanilang mga tagumpay, at maituring na mga reyna sa kanilang husay sa pagganap sa sa mga proyektong mayroong drama at comedy genres.

Ang “Dalawang Mrs. Reyes” ay sa ilalim ng direksyon ni Jun Robles Lana, na isang orihinal na istorya na kaniyang binuo, na kaniya ring ginawang screenplay kasama si Elmer Gatchalian.

“Ang dami ng dimensions na na-cover sa pelikulang ‘to. Na-tackle niya ‘yong struggles ng mga babae”, paglalarawan ni Lana sa pelikula.

Ang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” ay tungkol sa dalawang babae na sina Lianne (Santos) and Cindy (Panganiban), na hahabulin ang kanilang mga mister na mayroong parehong apelyido at pagkakasala sa kanila.

Dadaan sa pagsubok ang kanilang masayang buhay kasama ang kanilang mga asawa nang malaman nila na mayroong relasyon ang kanilang mga mister. Maraming pagdadaanan sina Lianne at Cindy upang pigilan ang relasyon ng kanilang mga asawa.

Higit sa pagiging isang pelikula tungkol sa infidelity, ang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” ay isang istorya tungkol sa dalawang babae na madidiskubre ang kaya nilang gawin para sa pag-ibig.

Ginagampanan din nina Santos at Panganiban ang papel ng dalawang babaeng mayroong malakas na personalidad, pero magkaibang-magkaiba ang karakter.  Ang isa sa kanila ay matagumpay na career woman habang ang isa naman ay isang homemaker. Ang pagkakapareho lamang nina Lianne at Cindy ay ang kanilang kagustuhan muling makuha ang kanilang mga asawa.

Dadalhin nina Lianne at Cindy ang lahat ng mga manonood sa isang emotional roller coaster ride sapagkat sabay nilang madidiskubre ang halaga ng pagiging positibo sa gitna ng pinakamapait na hagupit ng buhay.

Pinaliwanag ni Panganiban ang pinagdaanan ng kanilang mga karakter: “Kapag nasasaktan ka, ang dami mong naiisip, na parang dapat it’s a tie.  Hindi natin puwedeng i-deny na hindi natin naisip gumanti”.

Tampok din sa “Ang Dalawang Mrs. Reyes” sina Joross Gamboa at JC De Vera. Ang pelikula ay iprinoduce ng Star Cinema with Quantum Films at The Idea First Company.

Makukuha bang muli nila Lianne at Cindy ang kanilang mga asawa? May lakas ba sila na tanggapin ang realidad at hayaan ang kanilang mga asawa na maging tunay na maligaya, kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili nilang kaligayahan?

Alamin kung ano ang mangyayari sa “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na mapapanood sa labas ng bansa via TFC@theMovies sa mga sumusunod na bansa at petsa: now showing sa U.S. at Canada; February 1 in Australia and New Zealand; February 3 Austria and United Kingdom (also on February 4 in UK); February 4 sa Italy, Greece, Spain, Hong Kong at sa kauna-unahang pagkakataon sa Macau; February 8 sa Papua New Guinea; February 9 sa Saipan; February 10 at 11 sa Thailand; February 11 sa Singapore at Taiwan; at soon sa ibang mga bansa.

Para sa updates tungkol sa pelikula, bisitahin ang emea.kapamilya.com, tfc-usa.com/2mrsreyes, tfc-ca.com/2mrsreyes, o ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

No comments:

Post a Comment

A Heartfelt Journey of Faith and Redemption: “Paquil” Brings Tradition to Life in a Powerful New Film Starring Beauty Gonzalez and JM de Guzman

Resiko Entertainment Production proudly unveils "Paquil", a stirring and culturally rich film exploring themes of faith, identity,...