Saturday, January 6, 2018

Ultimate Multimedia Star ng Pilipinas na si Toni Gonzaga makikisaya bilang bagong host ng “Pilipinas Got Talent”

Bago at kakaibang mga Pinoy acts inaabangan sa “Pilipinas Got Talent” ngayong 2018

Isang malaking pasabog agad ang handog ng ABS-CBN para sa mga manonood sa pagbubukas ng taong 2018 dahil magbabalik na ang world-class talent search na “Pilipinas Got Talent” (PGT) para muling hanapin ang pinakamahusay na Pinoy acts sa iba’t ibang panig ng bansa, na mapapanood sa loob ng Pilipinas via ABS-CBN at sa labas ng bansa via The Filipino Channel (TFC). Mapapanood naman ang unang dalawang episodes nito via streaming via TFC Online (www.TFC.tv) na mapapanood gamit ang desktop or mobile browser, sa January 6 at 7 sa key countries worldwide.


Ang ika-anim na season ng PGT ay pangugunahan pa rin ng International Singing sensation at host na si Billy Crawford, na sasamahan sa unang pagkakataon ang nag-iisang Ultimate Multimedia Star ng bansa na si Toni Gonzaga.  Nariyan din ang judges na kinabibilangan ng Certified Star-maker na si Freddie “FMG” Garcia, award-winning at versatile actress na si Angel Locsin, astig na idol na si Robin Padilla, at Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda.

Talaga namang level up ang kompetisyon dahil mas palaban na ang acts ng mga nag-audition sa bagong season, na magpapatunay na malikhain ang mga Pilipino dahil maraming acts ang first time ninyo pa lamang mapapanood.

Kasabay nang pagbabalik ng mga hosts at judges, muli ring nagbabalik ang pinakaaasam na Golden Buzzer, na magiging daan ng mga mapipiling acts upang dumiretso sa semifinals. Kung dati ay ang apat na judges lamang ang pumipili ng kanilang Golden Buzzer acts, ngayon ang mga hosts na sina Crawford at Gonzaga ay may kapangyarihan na ring pumili ng isang act na pareho nila gustong magpatuloy sa kompetisyon.

Unang ginamit ang Golden Buzzer sa “Pilipinas Got Talent” noong nakarang season at ang napiling Golden Buzzer act ni Padilla na Power Duo ang siya pang nag-uwi ng kampyonato.

Umarangkada na ang live auditions sa Cebu noong nakaraang buwan para salain ang acts mula sa Visayas at Mindanao, at susunod naman ang Manila auditions na gaganapin next week sa Tanghalang Pasigueno sa Pasig City.

Hindi lang sa PGT nagpakitang gilas ang Pinoy acts dahil maging ang buong Asya ay napabilib din nila sa “Asia’s Got Talent” (AGT). Katunayan, itinanghal na grand winner sa unang season ng AGT ang shadow act na El Gamma Penumbra, na isa sa mga finalists sa season three ng PGT.

Sino kaya ang tatanghaling pinakamahusay na act para sa ika-anim na season?

Pakatutukan ang pagsisimula ng mas matinding “Pilipinas Got Talent” na mapapanood sa labas ng bansa via TFC sa key countries worldwide. Ang dalawang unang episodes naman ng programa ay may streaming via TFC Online (www.TFC.tv) na mapapanood gamit ang desktop at mobile browsers, kasabay ng local airing nito sa January 6 at 7:00 p.m., at January 7 at 7:30 p.m. (Manila time) sa key countries worldwide. 

Maaari namang balikan ang mga nagdaang episodes (sa ilalim ng limited period) via TFC Online (www.TFC.tv) at TFC IPTV sa key countries worldwide.

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.


No comments:

Post a Comment

A Mother's Quest for Truth Leads to an Alliance with Her Daughter’s Killer in 'Without Sin’

Get ready to unravel a deadly web of deception with ‘Without Sin’, the gripping psychological thriller streams exclusively on Lionsgate Play...