Friday, October 16, 2015

Mga Top Performers Ng ABS-CBN At Si Rey Valera Kakanta Ng “SOUNDTRACK NG BUHAY MO” Sa ABS-CBNmobile

Kapag love ballads ang pinag-uusapan, wala nang tatalo pa sa pagpapakita at pagpapadama ng emosyon tulad ng mga kanta ni Rey Valera.

Sa bagong iWant TV ng ABS-CBNmobile, maaari nang ma-experience ang perfect na Rey Valera love song para sa “soundtrack ng buhay mo.”

Noong August 1, nagkaroon ng isang sold-out concert si Rey Valera kasama ang mga top performers ng ABS-CBN at ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra, at pwede na itong mapanood kahit anong oras at kahit saan ka man.


Bawat Kapamilya ay pwede nang ma-enjoy ang mga pinaka-magagandang love ballads tulad ng “Pangako Sa’Yo”, “Maging Sino Ka Man,” at “Kailangan Mo Ako” na kinakanta ng ilan sa mga pinakasikat at mahuhusay na artists tulad nina Sharon Cuneta, Martin Nievera, Vina Morales, Rico J. Puno, Morisette, Tippy Dos Santos, at Antonio Ferrer. Mas pinaganda pa ang musika at kantahan dahil kasama dito ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra na kinumpasan ni Maestro Gerard Salonga.

Itong concert na ito ay parte ng Spotlight Series ng orchestra na pinamagatang “The Music of Rey Valera,” at ginawa ito sa The Theater sa Solaire Resort and Casino.

Ito ay binabahagi na sa lahat ng di nakapanood sa pamamagitan ng bagong iWant TV, kung saan pwede ma-customize ng subscriber ang kanyang panonood. Binibigay na ng iWant TV ang mundo ng ABS-CBN sa mga ABS-CBNmobile subscribers kahit anong oras at kahit saan man sila.

Ang isang araw ng unlimited iWant TV access para sa Rey Valera concert, at pati na rin ang ibang content ng ABS-CBN, ay pwede nang ma-enjoy sa halagang P10 lamang.

Para sa mga hind pa ABS-CBNmobile subscriber, pwede nang kumuha ng ABS-CBNmobile SIM, mag-download ng iWant TV app sa mobile phone, at mag-register sa iWant TV gamit ang bagong ABS-CBNmobile number. Pwede nang mag-load ng P10 at mag-text ng “iWantv10” sa 2135.

Kapag na-launch na ang app, o makapag-log on sa iWant TV website, i-click lang ang “The Music of Rey Valera World/Channel” para makapanood. Bawat performance ni Rey Valera at ng mga guests ay makikita bilang separate videos.

Pwede nang gamitin ng mga subscribers ang hashtag na #HugotValeraPlaylist para sa kanilang mga saloobin tungkol sa concert at song numbers sa social media.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com.






No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...