Tuesday, October 6, 2015

Limang Bagay Na Dapat Abangan Sa Must Date The Playboy

Ngayon na may tatlo nang episodes ang Must Date The Playboy sa iWant TV gamit ang ABS-CBNmobile, nakikita na ng mga viewers ng first movie series on mobile na ito ang kakaiba at di inaasahang mga twists sa kwento.

Heto ang limang bagay na mami-miss mo kung hindi mo pa napapanood ito:

1.   Paano nga ba kung ang malaking nightmare ng isang babae ay naging man of her dreams? Minsan natatagpuan natin ang bagay o isang tao kapag di natin hinahanap ito. Lumipas na ang taon ng paghahanap at pagaasa, pero wala pa rin. Tapos bigla na lang isang araw nandiyan na siya.


2.   Pag sinabing bonding moments, karaniwan ay mga bagay ito na enjoy ka gawin. Pero minsan ang bonding moments mo sa isang tao ay paggawa ng isang bagay na di mo akalaing gagawin mo, o di mo akalaing mage-enjoy ka.


3.   Minsan awkward ang pag-meet sa mga magulang at kapatid ng iyong love interest. Hindi mo alam kung ano ang magiging reaksyon nila. Magustuhan ka kaya nila? O baka naman hindi? May malalaman ka bang di mo inaasahan? Paano ka ba kikilos?

4.   Para sa isang lalaki, mahirap minsan makuha ang kiliti ng mga magulang ng babae. Hindi mo sila kilala. Hindi lang ang babae ang nililigawan, kundi pati na rin ang mga magulang.

5.   Kelan nga ba talaga ang perfect time para sa first kiss? Minsan nangyayari na lang ito. Minsan ang isa ang gagawa ng first move at hindi naman tututol ang isa. Pero minsan iiwas na lang. Mangyayari na lang ito kung talagang panahon na.

Lahat ng ito ay makikita sa Must Date The Playboy.

Ang mga bagong episodes ng Must Date The Playboy ay available tuwing Lunes sa iWant TV app ng ABS-CBNmobile. May tatlong episodes na ngayon ang movie series na ito.

Sa halagang P10, lahat ng ABS-CBNmobile prepaid subscribers at ABS-CBNmobile MHP subscribers ay pwede na mag-enjoy ng 1 day unlimited access sa iWant TV.

Sa pag-text lamang ng “iWantv10” sa 2135, pwede na nila panoorin ang movie kahit saan man sila at kahit anong oras. Pwede pa nilang ulit-ulitin ito via 3G o WiFi. Hindi na kailangan ng additional internet load.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com.

No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...