Sunday, February 15, 2015

Apat na Bagong Stories Tampok Ngayong Love Month sa WATTPAD PRESENTS

Mas pakikiligin pa ng  TV5 ang mga manonood ngayong Buwan ng mga Puso sa pagpapakilala ng mga susunod na romantic stories na minahal at sumikat sa largest online community ng mga readers at writers. Simula ngayong February 16, magbubukas na ang susunod na batch ng mga kilig stories ng pinakabagong season ng WATTPAD PRESENTS mula sa mga pinakakasabikang TV adaptations ng mga popular na Wattpad novels.

Simula ng na-i-launch ito hangggang ngayon na nasa second season na, napatunayan ng WATTPAD PRESENTS na isa ito sa mga favotirte primetime guilty pleasure ng mga manonood. Mula sa light romantic comedy approach nito hanggang sa youthful vibe at original songs na ginagawa exclusively para sa iba’t ibang episodes nito, maituturing na ngang naging bahagi ng ng gabi-gabing panonood ng mga viewers ang WATTPAD PRESENTS.


Magsisimula ngayong February 16 ang isa sa apat na bagong kwento ng second batch ng second season ng WATTPAD PRESENTS – ang “Cupid Fools” na isinulat ni Pajama Addict na mayroon ng 5.5 million reads at lagpas 151,000 votes sa Wattpad. Pangungunahan nina Ahron Villena at Sophie Albert ang WATTPAD PRESENTS “Cupid’s Fool” kung saan magsisimula ang lahat sa isang kasunduang relasyon na hahantong sa totohanan. Gagampanan ni Ahron ang karakter ni Aleph, ang heartthrob na hindi lang gwapo, matalino pa. Sa kabila ng pagiging halos perpekto ni Aleph, lingid sa kaalaman ng lahat ay isa rin syang broken-hearted na lalake mula nang iwan sya ni Monette (Danielle Lee). Sa kagustuhan ni Aleph na pagselosin si Monette, nakipagkasundo sya kay Ingrid (Sophie Albert), isang maganda ngunit hindi katalinuhang campus beauty ng kanilang school. Sundan at kagiliwan kung paanong ang isang simpleng kasunduan ay mauuwi sa totohanang pagmamahalan nina Aleph at Ingrid. Mapapanood ang WATTPAD PRESENTS “Cupid’s Fools” sa February 16 – 20. 
 
Susundan ito ng WATTPAD PRESENTS “Ex Ko Ang Idol N’yo”, ang cute story ng isang ordinaryong babae na pilit na pinaniniwala at kinukumbinsi ang mga tao na ex-girlfriend sya ng isang iniidolo ngayon celebrity. Gagampanan ni Marvelous Alejo ang role ni Chanel, ang ex-girlfriend ni Calix (na gagampanan naman ni Ranz Kyle ng boyband na Chicser). Ang story na ito ay isinulat ni Shaicee na mayroon ng 4.8 million reads at 41,000 votes sa Wattpad. Ano ba ang dapat gawin ng isang tulad ni Chanel na isang loser para makuha muli ang atensyon ng ex-boyfriend nyang hinahabol-habol at pinapantasya na ngayon ng mga babae. May pag-asa pa kaya na balikan si Chanel ni Calix o dapat nya na lang tanggapin na nasa magkaibang mundo na sila ngayon? Kiligin sa WATTPAD PRESENTS “Ex Ko Ang Idol N’yo” sa February 23 – 27. 

Ang susunod na love story na mapapanood ng mga Kapatid viewers ay nagsasalamin sa isang mala-fairy tale na kwento na kasalukuyang nakapagtala ng 1 million reads at 12,938 Wattpad votes na isinulat naman ni gabriella_gii. Sa WATTPAD PRESENTS “Bitter Ella”, ang bidang babae ay may mala-Cinderella na buhay kung saan sya kinakawawa at inaapi. Pero hindi tulad ni Cinderella, hindi sya nag-aantay ng prince charming na sasaklolo sa kanya kasi hindi sya naniniwala sa true love. Si Ella (Katrina Velarde a.k.a. Suklay Diva), isang pessimist na bitter lagi sa buhay, ay makikilala si Ashley (Phytos Ramirez), ang campus crush na kahit anong pang gwapo ay tila walang dating kay Ella. Mapalitan kaya ng pagmamahal ni Ashley ang pait sa katauhan ni Ella? Mapapanood ang WATTPAD PRESENTS “Bitter Ella” sa March 2 -6. 

Samantala, hindi rin naman magpapahuli ang ika-apat na story ng batch na ito ng WATTPAD PRESENTS season 2 na “My Fiance Since Birth” na isinulat ni Kagome_Annah at mayroon ng 4.8 million reads at 41,000 votes sa Wattpad. Pangungunahan nina Yassi Pressman at Vin Abrenica, ang WATTPAD PRESENTS “My Fiance Sine Birth” ay magbabahagi ng kuwento ni Alyssa (Yassi), ang babaeng simula’t simula pa lamang ay naniniwala na na may isang natatanging lalake na nakalaan para sa kanya. Ang lalakeng si Van na nung bata pa lang ito ay nangako kay Alyssa na papakasalan nya ito habang ipinagdadalang tao pa lamang si Alyssa ng kanyang ina. Hindi pa man nakikilala ni Alyssa si Van, lumaki sya na naniniwalang babalikan sya ni Van at tutuparin nito ang ipinangako sa kanya kaya naman hindi kailam man tumanggap pa si Alyssa ng kahit na sinong manliligaw. Hanggang sa dumating sa buhay ni Alyssa si Vincent (Vin), ang binatang pinangakuan naman ni Alyssa na hinding-hindi nya mamahalin dahil na rin sa paghihintay nya kay Van. Mapanghawakan pa kaya ni Alyssa ang pangako nyang paghihintay kay Van or tuluyan na kayang mabago ni Vincent ang puso nya? Mapagtanto kaya ni Alyssa ang kahalagahan ng binata na kasalukuyang nasa harapan nya at ng binatang inaantay nya? Alamin sa WATTPAD PRESENTS “My Fiance Since Birth” sa March 9 – 13. 

Patuloy na sundan ang mga nakakikilig na istorya ng WATTPAD PRESENTS mula Lunes hanggand Biyeres, 9pm sa TV5.

No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...