Mga maaksyong volleyball finals series’ ang handog ng ABS-CBN Sports+Action sa live telecast nito ng Game 2 ng UAAP Season 76 Men's Volleyball Championship at Game 1 ng Women’s Volleyball Championship ngayong Miyerkules (Marso 5).
Sa men’s division, ipagtatanggol ng National University (NU) Bulldogs ang kanilang titulo bilang kampeon ng UAAP Men’s Volleyball mula sa Ateneo De Manila University (ADMU) Blue Eagles. Nangunguna ang Bulldogs sa serye matapos nila talunin ang Blue Eagles noong Sabado (Marso 1) sa loob lamang ng tatlong sets. Masungkit kaya ng Bullldogs ang back-to-back championship o titibay ang loob ng Blue Eagles at mapahaba ang serye?
Samantala, haharapin na nina team captain Abigail Marano at Mike Reyes at ng buong De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang kanilang kalaban sa Women’s Volleyball Finals series matapos magpahinga nang higit na dalawang linggo. Nasweep ng Lady Spikers ang regular season at naupo agad sa UAAP Finals habang ang kanilang kalaban, ang ADMU Lady Eagles na pinamumunuan ni Alyssa Valdez naman ay dumaan muna sa isang step-ladder series.
Naging isang makasaysayang pagkikita ang labanan ng magkaribal na paaralan noong 2013. Dinagsa ng 19,638 na fans ang nanood sa semi-finals match nila sa Mall of Asia (MOA) Arena – ang pinakamalaking attendance para sa isang collegiate sports sa MOA sa panahong iyon. Kakayanin ba ng ADMU Lady Eagles na pigilang magkampeong muli ang DLSU Lady Spikers?
Upang makahabol sa balitang volleyball, inihahandog naman ng ABS-CBN Sports+Action ang part two ng Finals Special nitong, "The Score: The Road to the Volleyball Finals.” Sa pamumuno ni host TJ Manotoc, alamin ang kasaysayan ng liga, ng mga koponan, at mga players ng UAAP Volleyball. Samahan rin si TJ at ang kaniyang mga panauhin sa pagsuri sa UAAP Volleyball Finals.
Huwag palampasin ang live telecast ng Game 2 ng UAAP Season 76 Men's Volleyball Championship sa ABS-CBN Sports+Action ngayong Miyerkules (Marso 5) ganap na 2 PM at live telecast ng Game 1 ng Women's Volleyball Championship sa Miyerkules (March 5) din ganap na 4 PM.
Abangan rin ang “The Score: The Road to the Volleyball Finals” ngayong gabi (Marso 4) ganap 9:30 PM.
No comments:
Post a Comment