
Sa nasabing episode, gaganap si Carmi bilang Oria, isang beauty queen na noong kanyang kapanahunan ay siyang pinakasikat sa Barangay Papaitan. Ngayon, ang anak naman ni Oria na si Mabel (Isabel Daza) ang gustong sumunod sa kanyang mga yapak. Ngunit para kay Oria, isa lang dapat ang maging beauty queen sa pamilya. Tutol man ang kanyang ina, sumali pa rin si Mabel sa Mutya ng Papaitan beauty contest at nanalo. Ngunit sa gabi ng kanyang koronasyon, may papatay sa kanya. Ang pinaghinalaan ng mga pulis ay si Pamela (Bubbles Paraiso) na matinding kalaban ni Mabel sa nasabing beauty contest.