Showing posts with label The Rising Viral Star. Show all posts
Showing posts with label The Rising Viral Star. Show all posts

Sunday, August 29, 2021

Gigi De Lana Magkaka-album At Sariling Concert, Makakasama Rin Sa 1MX Live Sa Dubai

ABS-CBN Music at ABS-CBN Events, tataya na kay Gigi

Dalawa sa pinakaaasam na pangarap ng viral Kapamilya singer na si Gigi de Lana ang matutupad sa pagpo-prodyus ng ABS-CBN Music ng kanyang debut album at pagkakaroon niya ng sariling digital concert na pangungunahan ng ABS-CBN Events.

Pagkatapos mag-viral kamakailan dahil sa cover niya ng “Bakit Nga Ba Mahal Kita,” mas maipapamalas pa ngayon ng RISE Artists Studio talent ang galing niya sa pagkanta sa pamamagitan ng kanyang nalalapit na full-length album.

“Nag-pursige kami ng The Gigi Vibes band na gumawa ng sariling songs. Dun kami nag-grow at dun kami nag-start, so meron po kaming ilalabas na album,” aniya, na sinabi ring ilalabas na ang una niyang single sa Setyembre 24.

Isang pasabog na “YouTube Music Night” concert din ang paghahandaan ni Gigi na mangyayari naman sa Disyembre.

Kai Buizon captures the magic of romantic serendipity in new track “Milagro”

The song was inspired by the Japanese concept of Koi No Yokan, which reveals a more nuanced and intuitive take on “love at first sight” Risi...