Friday, November 13, 2026

Dingdong Dantes At Marian Rivera, Dadalo Sa Special Screenings Ng “Remember” Sa Southern California

Makakasama ng mga manonood sa Southern California ang dalawa sa pinakamalalaking bituin ng bansa na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa special screenings ng kanilang family drama na “Remember” ngayong November 14 at 15.

Gaganapin ang screenings sa Cinemark Baldwin Hills Crenshaw sa Los Angeles sa November 14 at Cinemark Huntington Beach sa November 15. Bukod sa mapapanood ang pelikula, magkakaroon din ng pagkakataon ang viewers na makaharap at makilala ng personal sina Dingdong at Marian.

Sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar, umiikot ang pelikula sa kuwento ng pagmamahal, pamilya, at pagbibigay ng pangalawang pagkakataon. Gagampanan nina Dingdong at Marian ang mag-asawang sina Joseph at Ria na matagal nang hiwalay  ngunit mapipilitan silang muling magsama bilang pamilya nang ma-diagnose ang kanilang anak na si Zia Grace ng isang pambihirang genetic illness.

Sa muling pagsasama-sama nila, unti-unting mabubuhay ang mga alaala ng kanilang nakaraan, na magtutulak sa kanila na harapin ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan at muling tuklasin ang pagmamahalang minsan nilang pinagsaluhan.

Para kina Dingdong at Marian, natupad ang kanilang pangarap makagawa ng pelikula sa labas ng Pilipinas dahil sa "Remember."

“Matagal na naming pangarap na gumawa ng anything outside the country, much more a film. Kaya naging perfect din yung Quebec at saka yung kuwento dahil ang daming first para sa amin,” pagbabahagi ni Dingdong.

Inamin naman ni Marian na hindi naging madali sa simula ang pagtanggap niya sa proyekto dahil pansamantalang malalayo siya sa kanilang mga anak. Ngunit nang mapanood niya ang trailer ng pelikula, muli niyang naalala kung bakit niya gustong maging bahagi ng kuwento.

“Nung napanood ko yung trailer, talagang naging emotional ako. Ang sarap gumawa ng isang pelikula na malapit sa puso mo na ma-o-offer mo sa kapwa Pilipino mo. Ang misyon namin, mabigyan kayo ng hope at pag-asa, kung ano man ang pinagdadaanan niyo,” ani Marian.

Mapapanood ang “Remember” sa mga sinehan sa United States, Canada, at Guam simula November 13, kasunod ng pagbubukas nito sa mga sinehan sa Pilipinas sa November 11. Magsisimula naman ang screenings nito sa United Arab Emirates, Qatar, Bahrain, Australia, at New Zealand sa November 12.

Sa mga interesadong makita sina Dingdong at Marian,mabibili ang tickets para sa special screenings sa mytfc.com.

Ang “Remember” ay pinagsamang produksyon ng ABS-CBN Studios, Star Cinema, APT Entertainment, AgostoDos Pictures, at Regal Entertainment.

Para sa iba pang updates, i-follow ang Star Cinema sa Facebook, X, Instagram, YouTube, at TikTok.

No comments:

Post a Comment

The wait is over, the time is just right, THE MAN WITH THE BAG trailer is here, enjoy the delight!

THE MAN WITH THE BAG premieres globally on Prime Video December 2, 2026 When Santa’s magic bag is stolen, he turns to his naughty list to fi...