Tuesday, April 30, 2024

Handa Na Mag "Bantay-Bahay" SI Pepe Herrera

Humanda sa maagang sorpresang kilabot na hatid ng Regal Entertainment sa una nilang pelikula sa sinehan ngayong 2024-ang horror comedy na 'Bantay Bahay, simula sa Mayo 1. Pinangungunahan ng lodi na si Pepe Herrera alyas "Lods," ang pelikulang ito ay may kuwentong kasindak sindak af puno ng tawanan mula umpisa hanggang dulo

Kilala sa kanyang kakayahan sa drama at komedya, maaalalang nagpabilib sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) si Pepe sa box-office hit at record-breaker na romantic film na "Rewind" bilang si "Lods' (Lord), kasama ang Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera

Ngayon naman, dadalhin ni "Lods" ang mga manonood ng sine sa isang nakakakabang pakikipagsapalaran bilang si Caleb, na magbibigay-buhay sa animo'y pinaka-viral na papel niya (at pati na rin ng kanyang ginagampanang tauhan)

Umakot ang kuwento kay Caleb na isang sobrang sigasig na vlogger at podcaster. Sa hindi sinasadyang tagpo, sumunod siya sa hiling ng kanyang kasintahan na magbantay sa bahay ng lola nito sa probinsya Lingid sa kaalaman ni Caleb, ang bahay na ito ay hindi basta-basta, dahil may taglay din itong lihim na madilim na nakaraan.

Mula sa panulat at direksyon ng kilalang filmmaker na si Jose Javier "Joey" Reyes, na ang huling kolaborasyon sa sinehan kasama ang Regal Entertainment ay ang 2021 hit na 'Mommy Issues," na pinagbidahan nina Pokwang at Sue Ramirez, ang "Bantay-Bahay ay may paanyaya sa isang kakaibang biyahe para sa buong pamilya. Ang husay ni Direk Joey ay banaag sa kanyang abilidad na ipagsama ang katatawanan sa matalinong salitaan, pati ang mga karakter na malapit sa totoong buhay sa mga eksenang kapana-panabik. Sa hinaba-haba ng listahan ng mga nagawa niyang kahanga-hanga sa industriya ng pelikula, patuloy niyang isinasabuhay ang dedikasyon at pagmamahal sa larangan ng pagkatha. Sa katunayan, kamakailan lamang ay itinalaga siya bilang Chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Kasama rin sa pelikulang "Bantay-Bahay sina Casie Banks, Johannes Rissler, Melizza Jimenez, Karl Gabriel, at Rolando Inocencio, na lahat ay nagbibigay tingkad sa daloy ng horror comedy na ito

Ayon pa kay Direk Joey, ang kuwento ng "Bantay-Bahay ay bunga ng tulong-tulong na gawa para sa Regal mula sa ideyang inihain sa kanya ni Sketch Sabangan.

Pinuri naman ni Direk Joey ang pagganap ni Pepe at sinabing bagay na bagay ang karakter nito. Nang tanungin tungkol sa anumang kakaibang pangyayari sa set, wala raw nangyaring kababalaghan sa shoot Gayunman, nagpahiwatig siya na mas masayang abangan ang mga nakakakilabot na eksena sa loob mismo ng pelikula. Bukod pa rito, binigyang-diin niya na ang "Bantay-Bahay ay angkop para sa pamilyang Pilipino.

Abangan ang pagpapalabas ng 'Bantay-Bahay, sa pangunguna ni Pepe Herrera, sa unang araw ng Mayo

Gamitin ang hashtag na #BantayBahay at panoorin ang opisyal na trailer nito sa opisyal na mga social media page rig Regal Entertainment.

SHOWING IN 150 CINEMA NATIONWIDE STARTING MAY 1, 2024 Watch the trailer on our Facebook & Youtube Page Regal Entertainment Inc.

No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...