Friday, October 22, 2021

Madam Inutz niregaluhan ng bahay at lupa ni Wilbert

Umaariba ang career ni Madam Inutz  (Daisy Lopez), ang mama-bentang live seller ng Cavite.

Todo alaga siya  ng kanyang manager, ang former Mr. Gay World titlist, sikat na businessman, social media influencer, at philanthropist na si  Wilbert Tolentino. 

Bago siya pumasok sa Pinoy Big Brother ay ini-release ang kanyang debut single  na ‘Inutil’.

Nag-record din siya ng  kanyang second single entitled ‘Sangkap ng Pasko.’

Kung novelty ang unang kanta niya, ballad naman itong bagong awitin niya.

Tumatagos sa puso ang   mensahe ng kanyang Christmas song.Marami ang makare-relate mula sa isang mahirap na tao na gaya ni Madam Inutz na ang sangkap ng Pasko ay pamilya. Kay sarap ng feeling na sama-sama  sa pagdiriwang nito.

“Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy.Sobrang makare-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay ang pagmamahal sa pamilya,” deklara ni Ka-feshness Wilbert.

Literal na umiyak ang ina ni Madam Inutz nang marinig ang ‘Sangkap ng Pasko’dahil dama niya ang hugot ng kanta, gayundin ang kalahagahan ng pamilya.

Lumabas na ang official music video ng ‘Sangkap ng Pasko’ sa YouTube  Channel na Daisy Lopez.

Samantala, walang tigil ang sorpresa ni  ka-freshness Wilbert sa kanyang alaga.

Bago rin pumasok sa PBB si Madam Inutz  ay binigyan siya ng bahay at lupa  ng kanyang manager sa Bulacan nu’ng Oct. 5 bago kinuha ng PBB para sa kanyang hotel quarantine.  Naiyak ito sa tuwa.

Mapapanood sa Wilbert Tolentino VLOGS  ang buong detalye ng regalo niya.

“Huwag ka na umiyak.Deserved mo ‘yan, deserved mo ito,” bulalas ni Kuya Wil.

Motivation gift ito para paghusayan pa ni Daisy ang  laban niya sa Pinoy Big Brother para manalo siya. 85 square meter ang house and lot  pero ang  floor area  niya ay 55 square meter. Kailangan pa itong bakuran  kaya pagagandahin nila ito habang nasa PBB house ang alaga. Dalawang palapag siya pero  balak ni Sir Wil na   gawing third floor para matirhan ng buong pamilya ni Madam Inutz. Puwede rin itong lagyan ng tindahan.

Hindi siya magarbo pero puwedeng daanan ng tao at nasa bungad ng subdivision.

Sey pa ni Sir Will  maraming isinakripisyo si Madam Inutz  na endorsement.

“Puwede naman siyang kumita sa labas although pinili ko  na ipasok siya sa PBB,” sambit pa ni   Wilbert.

Maraming inilaan na pagbabago at  plano si  Kuya Wil na kaabang-abang para kay Madam Inutz at sa kanyang mga supporters.

Hindi  mapigilan ang paimbulog ng career ni Madam Inutz sa pamamahala ni Sir Wilbert.Maski ang mga netizen na humusga sa kanya bilang manager  ay naging masaya dahil napatunayan nito na may nagawa siya sa career ng kanyang talent. Bukod dito, sini-secure niya ang future ng pamilya  ni Madam Inutz.

Mabuhay ka Wilbert.

Para sa mga Inquiries & Product endorsement - tumawag lang sa 09175INUTIL / 09175468845 or Email sa DLINUTIL@GMAIL.COM.

Kung gusto niyo rin ng update mag-stream sa Wilbert Tolentino VLOGS YouTube chanel at  Daisy Lopez YouTube channel.

No comments:

Post a Comment

Jamie Foxx and Cameron Diaz star in BACK IN ACTION, premiering November 15

On Wednesday, May 15th at 1pm PT, Netflix debuted the first-look photos and launch date for its upcoming action film, Back in Action. The fi...