Friday, May 29, 2020

Kapamilya stars hinihikayat ang lahat na makiisa sa pagpupugay sa mga frontliners via “Alas Otso Para Sa’Yo”

Hindi maipagkakaila na malaking sakripisyo ang ginagawa ng mga frontliners para makapagsilbi sa mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo. Kaya naman para pasalamatan at bigyan sila ng pagsaludo, nakiisa ang inyong favorite Kapamilya stars sa “Alas Otso Para Sa’Yo” initiative ng TFC Middle East at Europe.


Bilang bahagi ng Kapamilya Virtual Hugs initiative ng TFC which aims to uplift the spirit of the overseas Filipinos at mga frontliners around the world, ang “Alas Otso Para Sa’Yo” ay hinihikayat ang lahat na ipakita ang pagpupugay nila sa mga frontliners by doing three claps and a salute tuwing 8 P.M. araw-araw mula sa kanilang mga bahay.


Umiiral man ang physical distancing, maaari pa rin magkasama-sama ang lahat sa pagbibigay pugay sa mga frontliners bilang pagkilala sa kanilang mga sakripisyo, isang bagay na gustong gawin ng inyong mga paboritong Kapamilya stars kasama kayo.

Isa sa kanila ay si Ivana Alawi na sinabi sa mga frontliners: “Sa puso at isip namin ay niyayakap namin kayo nang mahigpit. Hindi namin alam kung paano namin malalagpasan itong laban na ito kung wala kayo.Maraming salamat sa serbisyo ninyong walang takot at walang pinipili. Kayo ang aming heroes.”

Sa mga susunod na araw, makikiisa rin sina “Magandang Buhay” momshies Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros, pati na rin sina Yassi Pressman, KZ Tandingan, Edward Barber, at Bela Padilla.

Magkaisa tayo kasama ang mga Kapamilya stars sa pagkilala sa mga frontliners, gumawa na rin kayo ng inyong “Alas Otso Para Sa’Yo” video. Just share your video kasama ang inyong pamilya o mga kaibigan na ginagawa ang three claps and a salute at magbigay ng mensahe ng pasasalamat at pagsaludo sa mga frontliners. Post it sa inyong social media accounts at siguraduhing naka-public ang inyong post, at sagutan ang form sa link na ito bit.ly/Alas8ParaSaYo.

Ang mga video na inyong ipapadala ay maaaring ma-feature sa Facebook pages ng TFC Middle East o TFC Europe.

Samahan na ang inyong mga favorite Kapamilya stars sa pagbibigay pugay at pasasalamat sa mga frontliners, bigyan sila ng clap, clap, clap, and a salute by joining “Alas Otso Para Sa’Yo”.

Para sa karagdagang detalye, bisithanin ang TFC Middle East o TFC Europe Facebook pages.

No comments:

Post a Comment

Kenshi Yonezu releases “Azalea” as theme song for Netflix global series, Beyond Goodbye

Global crossover J-pop artist KENSHI YONEZU continues to reach new heights with his new song “Azalea”, a song written as the theme song for ...