Saturday, February 4, 2017

“HOME SWEETIE HOME” Tatlong Taon Nang Gumagabay Sa Mga Mag-Asawa

Simula ng magkaligawan, ikasal, hanggang sa nagkaroon ng kanilang unang supling, bahagi na ng pamilyang Pilipino sa loob ng tatlong taon sina Romeo (John Lloyd Cruz), Julie (Toni Gonzaga), at ang masayang mag-anak nito sa hit Kapamilya weekend sitcom na “Home Sweetie Home.”

Linggo linggo ay nagsisilbi itong gabay sa mga mag-asawa sa ipinapamalas nitong buhay nina Romeo at Julie at sa kung ano ano ang iba’t ibang pinagdaraanan ng mga tulad nila na nagsisimula pa lang magsama at bumuo ng pamilya.


Para sa bida nitong si John Lloyd Cruz, mahalaga na may magandang ehemplo na naibabahagi ang kanyang karakter bilang Romeo sa mga manonood bukod pa sa pagpapasaya sa kanila tuwing Sabado ng gabi.

“Si Romeo medyo pilyo pero siya yung character na nasusubaybayan, napapanood linggo-linggo at parang tumatayo sa paninindigan at prinsipyo. Siyempre may mga manonood tayo  na mas nakababata kay Romeo kaya maganda na may naiiwan siyang magandang halimbawa. Hindi iyong parang after niyo manood wala na, importante iyong may napapa-abot tayo na example or aral,” paliwanag ni John Lloyd.

Dagdag pa niya, isinasapuso nila sa set ang content o nilalaman ng bawat episode kaya ganoon na lang sila kung magtulungan para sa ikagaganda ng programa dahilan para tumagal ang programa ng tatlong taon.


“Personally importante sa akin iyong content. Importante kung ano ba ang kinukwento namin. Hindi lang ito dahil sa ratings. Importante na totoo doon sa character noong show iyong aming napaparating sa aming manonood. May conscious effort talaga kami dito na mag-collaborate lalo na sa mas mga bata naming mga kasama,” sabi niya.

Samantala, masaya naman si Toni Gonzaga na na-extend ng na-extend ang “Home Sweetie Home” na para sa kanya ay pinakamagaang gawing trabaho.

“Ever since nagstart kami walang pressure. Lagi kaming dumarating na masaya sa set. Very close to home din ang character ko bilang Julie kaya wala masyadong preparasyon na kailangan gawin,” sabi ni Toni.

Bagamat aminado ang ultimate multimedia star na nahirapan siya noong una sa pagganap sa papel na may-asawa, ngayon ay mas kumportable na siya bilang Julie at mas madali ng nakakarelate sa karakter kaugnay ng mga personal din na nangyari sa kanyang buhay.

“Noong first year talaga hirap na hirap ako, hindi ko talaga alam feeling nang may asawa. Hanggang sa ayun nga nagkaroon na ako ng asawa kaya alam ko na yung feeling at maging sa set din na-apply ko yun,” pagbabahagi niya.

Sa pagpapatuloy  ng kwento nina Romeo at Julie, ano pa kaya ang mga hamon na haharapin nila?

Kasama nina John Lloyd ay Toni sa cast sina Sandy Andolong, Miles Ocampo, Clarence Delgado, Ogie Diaz, Ellen Adarna, Bearwin Meily, Paul Sy, Jobert Austria, Mitoy Yonting, Nonong Ballinan, at Magda Alovera.

Ang “Home Sweetie Home” ay nilikha ng creative team ng programa at idinerehe ni Edgar “Bobot” Mortiz sa ilalim ng business unit na pinamumunuan in Raymund Dizon.

Huwag palalampasin ang “Home Sweetie Home” tuwing Sabado, 6:30 PM, pagkatapos ng “TV Patrol Weekend.”

No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...