Thursday, December 8, 2016

Sino-Sino Ang Bubuo Sa Pinoy Boyband Superstar

Magkakaalamanan na ngayong darating na weekend (Dec 10 and 11) kung sino-sino sa natitirang pitong singing heartthrobs ang bubuo sa unang tunay na Pinoy boyband sa nalalapit na pagtatapos ng “Pinoy Boyband Superstar.”

Sa huli, lima lamang ang mapipili muna kina Ford, Joao, Mark, Niel, Russell, Tony, at Tristan sa “The Grand Reveal” kung saan sa huling pagkakataon ay papatunayan nila ang kani-kanilang sarili sa superstar judges at mga tagahanga. Puno rin ng sorpresa ang finale dahil ilalantad na rito ang pangalan ng mabubuong boyband, at mapapakinggan din sa kauna-unahang pagkakataon ang kanilang first single. 

Ngayong Sabado (Dec 10), hahatiin sa dalawang pares at isang trio ang pitong heartthrobs. Bago matapos ang gabi, mapapangalanan na ang unang miyembrong bubuo sa boyband na siyang makakakuha ng pinakamataas na combined scores mula sa boto ng publiko at boto ng superstar judges na sina Vice Ganda, Sandara Park, Yeng Constantino, at Aga Muhlach.


Ipe-perform naman ng natitirang anim na hopefuls ang kani-kanilang do-or-die songs sa Linggo (Dec 11). Mula muli sa mga boto ng publiko at judges, kukunin ang apat na miyembro na kukumpleto sa boyband. 

Kani-kaninong pangarap kaya ang matutupad? Sino-sino ang pinakamagpapabilib sa viewers at judges?

Mapabilang kaya sa boyband ang Hunky Haranista ng Valenzuela City na si Ford, na ginamit ang kanyang soulful voice at hindi makakailang appeal para pakiligin ang fans at judges?

Nariyan din si Joao, ang Party Prince ng Macau, taglay ang umaapaw na charisma at angking galing sa pagsayaw na naging tatak niya sa kumpetisyon. 

Hindi rin nagpapahuli si Mark, ang Kwelang Badboy ng Bacoor, na maituturing na edge ang kanyang ‘rocker charm’ at naiibang boses para bumuo sa isang boyband.

Mula naman sa pagiging mahiyain ng pinakabatang heartthrob ng kumpetisyon na si Niel, ang Kanto Boy Next Door ng Cebu, kaya na niyang makipagsabayan sa kanyang mga kasama.

Consistent naman sa kanyang vocal performance si Russell, ang Fil-Am-azing Boy ng Illinois, na nagsusumikap pang mag-aral ng Filipino. 

Hindi rin naman nagpahuli si Tony na kinilala bilang Badboy ng Vancouver. Kahit na may mga magulang sa showbiz ngayo’y unti-unti na niyang napapatunayang kaya niyang bumuo ng sarili niyang pangalan.

Isang malaking asset naman ng itinuturing na ‘dark horse’ ng grupo si Tristan, ang Buff Balladeer ng Bulacan, ang kanyang unique personality na nagpapaangat sa kanya. 

Ang limang mananalo sa “Pinoy Boyband Superstar” ay isa-isang makakatanggap ng exclusive contracts sa Star Magic, recording contracts sa One Music, Yamaha motorcycles, at P5 million cash.

Tutukan ang two-day finale at iboto ang inyong mga kanya-kanyang paborito sa pamamagitan ng text at o online via Google. Para bumoto, i-text ang BB (space) PANGALAN NG CONTESTANT at ipadala sa 2366. Isang boto lang ang tatanggapin bawat SIM card. Para naman bumoto online, i-Google ang “PBS VOTE” at pindutin ang unang link na lalabas. I-click ang larawan ng iboboto mong grand finalist at pindutin ang “submit vote” na button. Isa vote kada Google/Gmail account lang ang tatanggapin. Hintayin lamang ang hudyat ng host na si Billy Crawford sa Sabado at Linggo bago bumoto.

Huwag palalampasin ang final performance night ng “Pinoy Boyband Superstar The Grand Reveal” sa Sabado (Dec.10), 7:15PM at sa Linggo, 7PM. sa ABS-CBN. Para sa updates, bisitahin lang ang boyband.ph, i-like ang www.facebook.com/BoybandPH, o sundan ang @BoybandPH sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Regina Song to Bring “Fangirl: The Tour” to Manila next month!

Singapore-based singer-songwriter Regina Song is set to make her highly anticipated Philippine debut with Fangirl: The Tour next month. The ...