Saturday, March 28, 2015

“Love Me For What I Am: the Shem and Jenessa Dizon Story” On Magpakailanman

Isang Foreignay at isang Mangyan, patutunayan na true love sees past the skin – sa isang nakakakilig na episode ng Magpakailanman!

Nang ipadala ang Amerikanang si Jenessa sa Pilipinas para sa kaniyang teaching mission, malungkot ang dalaga sa pagkakalayo niya sa kaniyang pamilya—at sa paniniwalang wala na itong mga pakialam sa kaniya. Mga bagay na makakalimutan niya sa kaniyang pagkilala kay Shem, isang Mangyan.



Ngayong Sabado, samahan sina Max Collins at Rodjun Cruz sa kanilang pagsasabuhay ng nakaka-in love na kuwento ng isang guro at ng estudyanteng nagturo sa kaniya ng iba’t-ibang uri ng pag-ibig.

Itinatampok rin sa episode na “Love Me For What I Am: the Shem and Jenessa Dizon Story” sina Abel Estanislao, Lester Llansang, Marc Justin Alvarez, Kyle Ocampo, Ina Feleo, at Allan Paule, sa masugid na direksyon ni Neal del Rosario at sa panulat ni Jessie Villabrille, mula sa research nina Karen Lustica at Stanley Pabilona.

Magpakailanman airs this Saturday, March 28, after Pepito Manaloto.                                  

No comments:

Post a Comment

JACOTÉNE drops electrifying new single and video 'Stop Calling'

Rising sensation JACOTÉNE is back with her latest single and video, ‘Stop Calling’, a defiant anthem that explores the thrill of independenc...