Ang Korean superstar na si Lee Min Ho ay gaganap bilang isang mandirigma sa nakaraan na may kakaibang kapangyarihan sa isa na namang telenobela na ipapalabas lamang sa ABS-CBNmobile simula Oktubre 20.
Pinamagatang “Faith,” ito ay isang historical fantasy drama tungkol kay Choi Young (Lee Min Ho), isang bodyguard ng hari sa nakaraang panahon, at si Yoo Eun-soo, isang babaeng doctor sa kasalukuyan. Nang masugatan ng malubha ang reyna, inutusan ng hari si Choi Young na pumunta sa magical portal para hanapin ang “heaven’s doctor.” Itong doctor na ito ay isang doctor na si Eun-soo.
Sisibol ang isang pag-ibig na malalampasan ang pagsubok ng panahon. Kakayanin nga ba nila ang mga paghihirap na haharapin? Magiging maligaya nga ba si Choi Young at Eun-soo?
Masusubukan din ang galling ni Lee Min Ho at ng ibang mga kasamang actor dahil kakailanganin din nila na magsuot ng mga mabibigat na costume habang gumagawa ng mga action scenes at umaarte.
Tiyak na aabangan ito ng mga fans ni Lee Min Ho para malaman ang kakaibang kwento ng pag-ibig, at para masaksihan ang isang makulay at maaksyon na drama. Mas madali na itong gawin dahil mapapanood na ang “Faith” kahit saan at kahit anong oras gamit lamang ang smartphone na may ABS-CBNmobile SIM.
Matutuwa ang karamihan dahil di pa ito naipapalabas sa telebisyon sa Pilipinas. Isa pa, naka-dub ito sa Filipino kaya mas makaka-relate ang mga manonood. Mai-in love na naman ang mga fans ng Korean star.
Ang ABS-CBNmobile ay nagpapalabas ng mga original shows tulad ng Team Gonzaga, tampok ang celebrity superstars na si Toni at Alex Gonzaga, at ng “I Do” mobisodes. Lahat ng ito ay para lamang sa mga ABS-CBNmobile subscribers.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Faith” at kung paano ito mapapanood sa ABS-CBNmobile, pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com.
No comments:
Post a Comment