Wednesday, May 21, 2014

NBA CONFERENCE FINALS MAPAPANOOD SA ABS-CBN AT ABS-CBN SPORTS+ACTION

Apat na koponan na lamang ang natitira sa pagpapatuloy ng Conference finals ng National Basketball Association (NBA). Magpapatuloy ang special telecast ng Eastern Conference Finals sa ABS-CBN sa Miyerkoles (May 21) habang ang live telecast ng Western Conference Finals naman ay magpapatuloy sa ABS-CBN Sports+Action sa Huwebes (May 22)


Abangan ang Game 2 ng Eastern Conference Finals sa pagitan ng two-time NBA Champion Miami Heat sa pamumuno nina Lebron James, Dwyane Wade, at Chris Bosh at ng Indiana Pacers nina Paul George at Roy Hibbert. Kailangang lampasan ng Heat ang Pacers para lumapit sa inaasam nilang “three-peat.”

Pinaghahanadaan na nila ang Game 2 matapos talunin ng Pacers na mukhang nakalimutan na ang mga problema dinaanan nila sa unang dalawang rounds ng playoffs. Nagbabalik na nga ba ang kinakatakutang Indiana Pacers or mangingibabaw pa rin ang championship experience ng Heat? Tunghayan ang Game 2 ng Eastern Conference Finals sa special telecast ng ABS-CBN sa Miyerkoles (May 21) na susundan ng Game 3 sa Linggo (May 25) at Game 4 sa Martes (May 27). Lahat ng special telecast ng Eastern Conference Finals ay ipapalabas ganap na 9:15 AM.

Samantala, magkaibang estilo ng basketball ang nagtatagpo naman sa Western Conference Finals sa pagitan ng San Antonio Spurs at Oklahoma City Thunder. Nagwagi sa Game 1 ang spurs sa Rusong ng kanilang balanse at disiplinadong offense at defense na ipanlalaban ng Spurs. Taliwas ito sa mabilis at agresibong atake ng Thunder sa pamumuno ng Most Valuable Player na si Kevin Durant. Tunghayan ang magwawagi sa dalawa sa live telecast ng Western Conference Finals sa ABS-CBN Sports+Action. Game 2 ay ipapalabas sa Huwebes (May 22) na susundan ng Games 3 sa Lunes (May 26) at Game 4 sa Miyerkoles (May 28). Lahat ng live telecast ng Western Conference Finals ay magsisimula nang 9 AM.

No comments:

Post a Comment

Malcom Todd’s new single “Chest Pain (I Love)” takes Philippines and Southeast Asia by storm

The viral track has peaked at No. 2 on Spotify Philippines Viral charts Indie rising star Malcolm Todd continues to make waves across Southe...