Isa sa mga artistang naging role model para sa marami ay magkukwento ng kanyang mga napagdaanan sa harap at likod ng camera sa BTS special ng numero unong throwback channel ng bansa, sa pagtatampok ni Anne Curtis bilang icon of the month sa “Annestoppable” ng Jeepney TV.
Ang “Annestoppable” ay ang unang offering ng bagong programa ng Jeepney TV na BTS, na maaaring mag-iba ang ibig sabihin tulad ng “Behind the Scenes”, “Beyond the Stardom”, “By the Set”, “Born to Sing”, at marami pang iba. Sa BTS, mapapalapit ang mga viewer sa icon of the month na magkukwento tungkol sa kanyang mga istorya at magpapakita ng kanyang buhay on-screen at off-screen.
Samahan si Anne sa kanyang pagdedetalye ng sinasabi niyang “journey” sa showbiz at sa sariling buhay. Bakit niya kaya sinabi na “fun at rebellious” ang kanyang mga nagawa?
Sa BTS special na “Annestoppable,” malalaman kung ano ang kanyang mga naramdaman bilang isang TV host at actress hangga’t sa pagiging isang successful at respetadong personalidad ngayon.
“Ang bawat step sa career ko ay naging turning point somehow,” sabi ni Anne. “Memories na masarap balikan ang lahat nang nangyari. Wala ni isa ang gusto kong makalimutan.”
Itinuturing niya ang kanyang mga napagdaanan bilang mga aral sa buhay. Sa kanyang pag-throwback sa “Annestoppable,” sinasabi niya na “Nakakatuwa na mayroon kang mababalikan.” Dagdag pa niya, “It’s something you can show your kids in the future.”
Isa sa mga inaabangang proyekto ni Anne ay ang kanyang seryeng “Dyesebel”. Excited din daw siya sa bagong step na ito sa kanyang showbiz career, lalo’t sa kanyang ginawang pagbabalik-tanaw sa mga nakaraang role na nagampanan.
Pakinggan at panoorin si Anne sa kanyang pagdedetalye sa lahat ng ito sa BTS special ng Jeepney TV (SkyCable channel 9), ang “Annestoppable” na eere na sa Linggo (Pebrero 23) ng 9:00pm sa numero unong throwback channel ng bansa. Para sa mga update, i-like ang Jeepney TV sa Facebook (www.facebook.com/JeepneyTV).
No comments:
Post a Comment