
Kaya naman naghanap ang Pop Talk ng tatlong restawran na ilang hakbang lang ang layo sa tatlong pinakamalalaking sementeryo sa Kalakhang Maynila. Ang tampok na restos ay ang Thai Resa sa Chinese Cemetery na authentic Thai dishes ang inihahain, Redragon Buffet Restaurant sa Manila North Cemetery na P168 lang ang eat-all-you-can buffet, at ang The Room Upstairs sa Manila South Cemetery. Huhusgahan ng ating Pop Talk reviewers ang tatlong restos na ito base sa criteria na 'food,' 'place' at 'price.' Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?