Saturday, December 6, 2014

Dokumentaryo Ni Jay Taruc "HAPDI NG LAPNOS" Para sa Ika-15 Taon ng i-Witness

Dalawang taon na ang nakararaan nang ibahagi ng I-Witness ang “Lapnos,” isang dokumentaryo tungkol sa paghihirap ng mga biktima ng sunog at paso na ipinapasok sa isang maliit na burn unit sa Davao City Medical Center.

Matapos maipalabas, nanalo ng Silver World Medal ang dokumentaryo sa New York Festivals. Higit sa lahat, bumaha ng donasyon mula sa iba't ibang bahagi ng mundo para sa pagamutan na naging daan para mas matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente. Ngunit ang lahat ng ito, hindi pa rin sapat.

Samahan si Jay Taruc sa muli niyang pagpasok sa pinto ng burn unit at kilalanin ang mga pasyenteng tinitiis ang matinding hirap para malagpasan ng hapdi ng lapnos. Huwag kaliligtaan ngayong Sabado ang I-Witness, pagkatapos ng Celebrity Bluff.

Kenshi Yonezu releases “Azalea” as theme song for Netflix global series, Beyond Goodbye

Global crossover J-pop artist KENSHI YONEZU continues to reach new heights with his new song “Azalea”, a song written as the theme song for ...